HELLOOO! MABUHAY ANG MGA PUMAPASOK! Ugh. Graaabe. Nakaka... HAY! IBA NA 'TO. Hahaha. Anyway, ang bait talaga ni Lord. Pina-update niya ako. Hahahaha. Hindi pa kasi masyadong hectic. Pero soon... totoo na.
Hindi pa ako sure if magh-hiatus muna ako. Kasi gusto ko na ring matapos 'to eh. Pero ngayon palang, sasabihin ko na: matatagalan na ang mga update ko. Aral muna tayo! Hahaha.
Salamat sa inyo haaa! OMGEEE! Malapit na mag 100k reeads! WAAAAHH! TENKYUU SA INYOO! LABYU TALAGAA! MWAHH! GOD BLESS YOU ALL! ~LOOOVE EXPLOSIONS!
***
Mag-iisang linggo na din magmula noong gabing yun. At simula nun, nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Price.
Napakalamig. Parang North Pole sa sobrang lamig ng pakikitungo niya sakin.
Hindi niya ako kinakausap ng maayos. Kung kakausapin niya man ako, yun ay para lang sumagot sa mga tanong ko. At pag sasagot naman siya, isa o dalawang salita lang ang lumalabas sa bibig niya.
Sa ilang gabing nagdaan, isang gabi palang ata siyang kumakain ng dinner sa bahay. At everyday na din niya akong hinahayaang maunang umuwi.
Ni hindi nga siya makatingin ng derecho sakin eh.
Kung titingin man siya sa mga mata ko, bigla nalang mag-iiba ang mga mata niya. Para bang sinaksak siya sa puso, at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Pero agad din siyang umiiwas ng tingin.
Sobrang sakit. Grabe ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ilang araw palang ang lumipas, pero parang isang taon na.
Sa totoo lang, hindi ko inakalang aabot ako hanggang ngayon na hinahayaan lang si Price. Pero kailangan kong tiisin eh, para sa space na hinihingi niya.
Nasa ilalim kami ng iisang bubong. Magkatabi kami sa iisang kama. Napakalapit namin sa isa’t isa. Pero still, sobrang layo namin. At sobrang sakit.
Gabi-gabi gusto kong umiyak, knowing na kahit magkatabi kami, there’s still something wrong. Pero tinatagan ko ang sarili ko at hinayaan nalang si God.
Hindi ko na dinaan sa iyak. I just prayed and prayed, asking God to help us both. Because if I can’t do anything about it, only He can.
You wouldn’t believe the questions going on in my mind every single minute.
Imagine, isang araw ok na ok kayong dalawa, and then the next day, he would just tell you to leave him alone?! At sa mga sumunod pang araw, ni hindi ka manlang niya makausap ng matino?!
And to top it off, MAG-ASAWA PA KAYO!
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
Teen FictionNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]