Chapter 20

49.4K 591 27
                                    

                Tapos na ang service. As in katatapos lang. Titignan ko sana si Price nang biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, isang babae pala. Yung katabi ko magmula kanina. Nakangiti siya sa akin.

                “Hi, I’m Hannah,” sabi niya sakin tapos inabot yung kamay niya sa akin.

                “I’m Saydie,” sabi ko naman at nakipagkamay.

                “Nice to meet you, Saydie,” ngumiti siya sa akin, “First time mo ba dito?” Tumango ako.

                “Ahh! Hahaha. It’s so great to see you! Um, pwede bang makipagkwentuhan muna? Haha,” sabi niya sabay upo.

                Napatingin ako kay Price. Nakita kong may kausap din pala siya; at nakaupo na siya. Kaya umupo na din ako.

 

                “So how did you find the service?” tanong ni Hannah.

 

                “Uh... It was...” Ano nga ba? Hindi ko ma-explain eh. Basta alam kong dito ulit ako nakaramdam ng buhay. “...uh... ‘Di ko ma-explain eh.”

 

                “Hahaha! Overwhelming?”

                Napangiti ako. “Exactly.”

 

                “Is it a good thing?”

 

                “Good thing. Absolutely a good thing.”

 

                Ngumiti siya. “So ano namang nakuha mo dun sa preaching kanina?”

 

                Napaisip ako. Ano nga ba?

                “I...I don’t know. But I felt something. I...I felt valued; important. I’ve never felt like that. Ewan ko, pero biglang gusto ko pa Siyang makilala. I’ve never  been religious. Pero iba ‘to eh. Ewan! ‘Di ko maexplain. Gusto ko ‘tong nangyayari sa buhay ko. Gusto kong magkaroon ng dahilan para mabuhay. Gusto ko ng bagong buhay. Sabihin mo nang corny, pero yun talaga ang gusto ko,” sabi ko.

                ‘Di ko alam kung bakit ko nasabi yung mga yun; sa isang taong ‘di ko pa kilala. Pero wala eh. Lumabas eh.

                Napangiti ulit si Hannah. Tapos tinignan niya ako. May warmth yung pagtingin niya. Parang isang nanay na nakatingin sa anak niya with pride.

                “Hindi corny yun. It’s actually a good thing. Maraming tao na nawawalan ng pag-asang mabuhay,” tulad ko, “kasi hindi nila alam na si God ay nandiyan para sakanila. You know, gaya nga ng sabi kanina, mahal ka ng Panginoon. Hinding-hindi magbabago yun. At gusto Niyang makasama ka. Gusto ka Niyang bigyan ng isang bagong buhay na kasama Siya.”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon