I can hear voices. So many different voices.
Sinubukan kong buksan ang mga mata ko, but it was too bright. I had to wait for a few seconds to let my eyes adjust. Then I felt a sharp pain on my head.
Sa wakas ay nabuksan ko na din ang mga mata ko.
I was in a white room, with so many different faces around me. May dalawang babae, at apat na lalake.
Ano bang nangyari?
“Saydie!” may biglang nagsabi. Lumapit siya sa akin na para bang tuwang-tuwa. “You’re finally awake! Hay! Thank you, Lord! Hooh! Tita! Tito! Gising na po si Saydie!”
May dalawa pang pumasok at tumakbo sila sa akin.
“Saydie, anak!” naluluhang sabi nila. “Salamat sa Diyos nagising ka na! I thought we already lost you. We decided to come back as soon as we heard that you were missing. Mabuti at nakaligtas kayo ni Price. Ohh... I-I couldn’t bear to think of what could’ve happened! Oh, Saydie! We missed you so much. Are you still mad---”
“S-Sino kayo?”
Nanlaki ang mga mata nila sa gulat. At nagtinginan silang lahat, with terrified looks on their faces.
“S-Saydie... Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Ano ka ba? P-Paano... Paano namang ‘di mo kami kilala? Tignan mo nga! Parents mo nandito oh! Wag ka nga!”
“S-Sino ba kayo? Hindi... Hindi ko alam kung anong nangyayari. P-Pasensya na,” sagot ko.
Nagtinginan ulit silang lahat, at parang pasan na nila ang langit at lupa. May napaupo nalang sa sobrang gulat. At may iba namang naluha. Yung iba, ‘di maintindihan ang mga mukha.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”
Nagkatinginan ulit silang lahat. At sinugod ako ni Raissa para batukan.
Ang galing kong umacting. <( ̄︶ ̄)>
BINABASA MO ANG
Accidentally MARRIED
Teen FictionNapakarami nang kwento ang tungkol sa mga arranged marriage. Kaya heto ako't dadagdag sa mga yun. Pero ang kwento ko, may twist. Kasi, I got accidentally MARRIED. [COMPLETED]