Chapter 29

41.8K 492 28
                                    

Dahil nag-enjoy ako sa mga kaganapan ng istoryang ito... UPDATE!! Ayeee! Saya-saya na natin! Hahaha! Sana ma-enjoy niyo 'to. Ayan ha. Medyo mabilis ang update ngayon. Pasalamatan ang holiday! Hahaha! Buti nalang may ginawang holiday si Lord. Hihihi. K. Tama na. BASA!

--------------------------------------------------

                Pagdating ko sa penthouse, naramdaman ko na yung gutom ko. Medyo late kasi kaming na-dismiss kanina. Tapos medyo traffic pa. Kaya just in time lang ako for dinner.

                AY! Magluluto pa nga pala ako. T_T Mamamatay na ata ako sa gutom nito.

                Waaah. Gutom na gutom na talaga ako. Halos marinig ko na talaga yung kalam ng tyan ko. Ang ingay-ingay. Ugh. Bakit ba naman kasi ‘di ko naisipang kumain kanina?

                “Saydie, andito ka na pala,” biglang sabi ni Price na lumbas galing sa dining room.

                Huh. Siya dapat sabihan ko niyan eh. Bakit nandito na siya? Ang aga niya namang umuwi? Tapos ‘di niya daw ako masundo? Trip nito?

                “Gutom ka na ba?” tanong niya nung ‘di ako sumagot.

                Buti natanong mo yan! “SOBRA.”

 

                “Hahaha! ‘Di ko na pala dapat tinanong yun. Lagi ka namang gutom.” Sige, asar pa. Gutom ako. Makakain kita ng buhay! “Tara. Kain na tayo.”

 

                Huh? ‘Kain na’? May pagkain na? May pagkain na?! *twinkling eyes* Agad akong sumunod sakanya dahil syempre gutom na talaga ako.

                Halos himatayin ako nung makita kong ang daming pagkaing nakahanda sa mesa. Sobrang gutom ko na kasi eh. Haha!

                LORD! Salamat at ‘di Mo ko hinayaang mamatay! Ikaw na, Lord! Haha!

                Pero grabe. Grabe talaga yung dami ng pagkain. Sobra-sobra. Halos ‘di na nga magkasya sa mesa eh! Ano bang meron? May okasyon ba? OHMY! ‘Di kaya birthday niya? ‘Di ko manlang alam! Wala akong kwentang asawa!

                “Uy. Bakit ang daming pagkain? Birthday mo ba? Sorry ha, ‘di ko kasi alam. Happy birthday nalang,” sabi ko sabay kuha na ng pagkain. Gutom eh.

                Lord, salamat dito. Sarap nito! Haha! Tenkyu tenkyu.

                Tumawa si Price. “’Di ko pa birthday. Gusto lang kitang pakainin ng marami. Payatot ka kasi eh!” Ako daw? Payatot? Kala mo kung sinong mataba! “Hahaha. Joke lang. Bakit ba tanong ka ng tanong? Kumain ka nalang!”

 

                FINE! LAMON KUNG LAMON! Haha! Nanahimik nalang ako para kumain. Weee! FOOD!

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon