Chapter 19

51.2K 634 56
                                    

                Tuloy-tuloy sa paglalakad si Price. Kami naman ni Princess, sumunod lang. Akyat sa escalator. Lakad konti. Akyat ulit. Lakad-lakad. Hanggang sa makarating kami sa top floor ng mall. Napansin kong medyo madaming tao. Napatingin ako kay Price, pero wala; todo poker face siya.

               

                “We’re here! We’re here!” narinig ko namang sabi ni Princess. Bigla siyang may tinuro. “There! I’ll stay there!” Tinignan ko ang tinuro niya.

               

                Kids’ Church ang sign na nakalagay.Nakita kong may mga ibang bata din na nandun. Dito na nga ata talaga.

               

                Nakita kong tinignan ni Price si Princess. Tapos nagsimula na ulit siyang maglakad. Ngayon, papunta na dun sa tinuturo ni Princess. Nakarating kami sa harap ng isang pintuan. May maliit na sign na nakasulat, 3-5 years old. Obviously, dito nabibilang si Princess.

               

                May nakatayong babae sa tabi ng pinto.

               

                “Hi, teacher Anne!” biglang sabi ni Princess sa babae. Hmm, teacher siguro nila. Malamang.

               

                Napatingin yung babae at ngumiti naman. “Hi, Princess!” Napatingin siya sa paligid na parang may hinahanap. “Where’s your mommy and daddy?”

               

                Umiling lang si Princess. “I’m staying with tito Price and tita Saydie,” masiglang sabi ni Princess.

               

                Napatingin sakin si Anne at ngumiti. “Hi, I’m Anne. Ako ang teacher nila ngayon. You’re...?”

 

                “I’m Saydie,” sabi ko at ngumiti din. Nakipagkamay siya sa akin. “And this is Price.” Ngumiti lang si Price at nakipagkamay din.

                “Nice to meet you,” sabi ni Anne sa akin. “First time mo ba dito?” Tumango ako. “Welcome. Haha. I hope you enjoy it here. And sana magkita pa ulit tayo next Sunday. Haha!” Napangiti ako. Naalala ko tuloy si ate Jenny. Pare-pareho silang masasaya.

                “I want to go inside na!” biglang sabi ni Princess. Excited na excited talaga siya.

                “Sige na, ako nang bahala kay Princess. Iwan niyo na siya dito,” sabi ni Anne sabay ngiti ulit. “Magsstart na din ang service. Go ahead. Sunduin niyo nalang siya mamaya, after.”

 

                Tinignan ko si Princess. Parang nakakatakot nang pakawalan at iwan. Matapos ng nangyari nung nakaraang gabi. Pero mukha namang mapagkakatiwalaan si Anne. At kilala niya naman si Princess at sina ate Jenny. Kaya ok lang naman siguro.

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon