Chapter 8

73K 807 17
                                    

                Sobrang aga kong nagising. Nakakainis. Gusto ko pa sanang matulog eh. Eh ‘di ko na kayang bumalik sa tulog ko. Kailangan ko na namang makita ang pagmumukha ng Price na yun.

                Wala pa rin sana akong balak bumangon. Eh bigla akong nagutom. No choice. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

                ‘Di pa sumisikat ang araw, pero medyo lumiliwanag na. At dahil sa penthouse kami, kitang-kita lahat. Ang ganda. ‘Di maikakaila. Kita ang mga sasakyang nagmamadali kahit maaga pa, ang mga building na may mga bukas na ilaw, ang mga signs na nakailaw pa rin.

                Nakatayo ako sa may glass wall, pinapanood ang mga pangyayari sa mga kalye. Gusto ko na nga sana na dun nalang magstay, na wag nang sumikat ang araw at manatili ang lahat na ganun. Pero biglang nag-growl ang tiyan ko. Naalala kong gutom nga pala ako. Kaya pumunta na ako sa kusina.

                ‘Di naman ako magaling magluto. Marunong lang. Buti nalang kahit papano may alam ako. Eh sa asawa kong ‘to, baka mamatay lang ako sa gutom.

                Nagluto ako ng tocino at egg. Syempre, pati kanin na din. Tapos nag-toast ako ng tinapay. Breakfast na breakfast talaga eh. Kulang nalang coffee. Eh ‘di naman ako nagkakape. Nagtimpla nalang ako ng hot chocolate.

                Kakatapos ko lang kumain nang narinig kong bumukas ang pinto ni Price. Pinupunasan niya ang mata niya at lumabas ng kwarto. Bagong bagong gising. Mukha siyang inosente. Mukha lang.

                At dahil ‘di naman pinwersa ang paggising ko ngayon, maganda ang mood ko. Pasalamat siya.

                “Good morning. Kain ka na,” sabi ko.

                Ngumiti siya at pumunta sa mesa. “Aba, nagluto nga.”

                Tinignan niya ang niluto ko. “Masarap naman kaya yan? Baka nilason mo yan.”

                “Prito lang yan. Ano ka ba. Kung ‘di masarap, sisihin mo yung pinagbilhan mo,” sabi ko. Sige, asarin mo ‘ko. Umagang-umaga.

                “Baka naman buong bote ng mantika ang pinangluto mo diyan,” dagdag pa niya.

                Huminga ako ng malalim. “Price, kung ayaw mo kumain, edi wag.” ‘Di ako tumingin sakanya. Tumayo ako at sinimulang kunin ang mga pinagkainan ko. Umagang-umaga, Saydie. Wag mananapak.

 

                Feeling ko nakatingin siya sakin. Pero ‘di ko na chineck.

                “Joke lang yun, babe. Wag kang magalit,” bigla niyang sabi. Pero feeling ko nang-aasar lang siya. “Titikman ko naman luto mo eh. Pero titikman lang.”

Accidentally MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon