Chapter 9
Cry
Pagkatapos bayaran ni Guillen ang tipong damit, agad na niyang tinawagan si Mr. Giovanni para tanungin kung nasaan ito.
"What floor, Kuya?" I heard her ask.
I took a glimpse at her when she moved her head as if searching for something around. Nang namataan ang escalator, napaturo siya roon bago tumango-tango na animo'y nakikita ng kausap.
"Oh. You're famished."
Napataas ako ng kilay. What's up with them and their habitual highfalutin terms?
I took my phone out and searched for that word in clandestine. Pagkalabas ng resulta, halos malaglag ang panga ko sa nakita. Inulit ko pa talaga ang pagtipa ng salita sa pag-aakalang tinotopak na naman ang phone pero walang pinagbago.
Extremely hungry?! Are they kidding me? Tomguts lang sa amin 'yon, e!
An imagination suddenly popped into my head. Mr. Giovanni in all his sophistication, blurting out the phrase saying tomguts na siya.
Napatakip ako ng bibig sa naiisip. What the hell is wrong with me? Am I bored?!
"Kuya's in the 3rd floor, Ophelia," she spoke to me after dropping the call and peeking at the screen. "It's already past 3 in the afternoon. Kain na muna tayo. For sure you're hungry, too, because we are."
Dinapuan ako bigla ng hiya. "Hindi pa naman gaano."
Guillen was mistrustful of it as she pulled me towards the escalator.
"Come on! I told you I'll make it up to you!" she chuckled.
Hilaw akong napangisi pero wala na ring nagawa kundi magpatianod. Pagkarating sa ikatlong palapag, bumungad sa amin ang hilera ng mga restaurant at kainan.
Palinga-linga si Guillen hanggang sa nakita ang hinahanap. Pero kumpara sa tagumpay niyang ekspresyon, animo'y pinagsakluban naman ako ng langit at lupa nang pumasok kami sa isang upscale restaurant.
"Good afternoon, ladies. How may I help you?" lapit ng isang waiter.
"Hi, good afternoon. Uh. We're looking for Clark Smith's table. He's with our party."
Mabilis naman iyong nakuha ng empleyado at minuwestra sa amin ang daan hanggang sa marating namin ang malayong dulong bahagi ng lugar.
Nahanap agad ng aking paningin ang nakatalikod na lalaki, nakakrus ang mga binti habang nakatunghay sa tanawing kaharap. The overlooking view was impressive for the mall was located in a wide land area, especially from this perspective.
While peacefully looking at the calm scenery, Mr. Giovanni was holding the stem of his wine glass when the waiter announced our arrival.
Lumingon ito at tinapunan kami ng tingin sa kanyang gilid. Umayos ako ng tayo.
"We can take it from here. Thanks for your assistance," si Guillen sa waiter.
Yumuko ang huli kalaunan at binigyan kami ng espasyo.
Guillen gestured me a seat. Pinauna ko naman siya bago pinili ang natirang upuan. Puno ng pag-iingat akong umupo at iwas na iwas pa sa lalaking kaharap.
"Have you already ordered, Kuya?"
Sa sulok ng aking mga mata, kita kong nilapag na nito ang baso.
"Just a starter while waiting."
"Hmm. You mean the wine?"
Matagal bago ito nakasagot kaya hindi ko na napigilang tumingin. Wala na ang suot nitong shades at sumbrero.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
General FictionGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...