Chapter 8

1.9K 102 423
                                    

Chapter 8

Taste


Pagdating ng Biyernes, ilang oras din halos ang ginugol ko sa social media. Actually, hindi ko pa masyadong gamay ang app na ito pero hindi pa ako nahihibang para ipagkalat iyon sa iba!

"Ano pinagkakaabalahan mo dyan? Homework?" si Kuya sa hapagkainan.

Suminghap ako at awtomatikong binaba ang phone. Tapos na kasi akong kumuha ng sariling pagkain kaya habang hinihintay sila, pansamantala ko munang chineck kung may nag-reply. Now that I'm in Senior High School, I had no idea that this messaging app is a must as well. I need to know more!

"Parang ganon na nga, Kuya," I lied.

I bit the insides of my cheeks and dropped my eyes on the plate. Pagkaupo niya, pinagkrus niya ang mga braso at ramdam ko na agad ang nagsususpetyang titig.

"Tungkol saan? Baka makatulong ako."

I know it's just his scheme to catch me redhanded. I pouted and raised my head to face him. Daglian kong sinulyapan si Mama na paupo na rin sa kabisera bago nagsalita.

"Medyo marami kasing bumabati sa akin dahil sa... uh... pagiging VP sa org. Ang gagaling nila, Kuya."

His mouth curved into a smile. "Pero kaya ka nga nanalo dahil ikaw ang pinakamagaling. Iyan na ang simula ng progress mo, Rizette. You're doing well."

"Talaga, Kuya? Than-"

"VP lang?"

Napabaling kami kay Mama pareho. Umiling ito at nagsimula na sa pagkain.

"Kung pinakamagaling 'yan, dapat President 'yan. E, hindi."

My mouth snapped shut. Saglit akong natigilan. Hindi kalaunan, binalik ko na lang sa plato ang mga mata at tahimik na lang na nagsimula sa pagkain.

Alam kong tumagal ang titig sa akin ni Kuya. Kabisado na niya ako. Kabisado na niya ang ganito. Pero pinili ko na lang na huwag magpakita ng kahit ano. Pinilit kong kumain nang normal kahit parang may bumabara na sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung nahihirapan lang akong lunukin ang kinakain kaya ganoon. Pero sino bang niloloko ko? 'Wag kang tanga, Riz. Alam mo kung bakit. Alam na alam mo.

"Ako na ang maghuhugas, Kuya," boluntaryo ko nang tapos nang kumain si Mama.

Tumayo na ako at niligpit ang mga pinagkainan. Kaso lang, pagkalapag ni Kuya ng ininumang baso, tumayo na rin siya at inagaw sa akin ang mga 'yon.

"Ako na. Umakyat ka na sa kuwarto mo," aniya.

"Pero, Kuya. Kahapon hindi rin ako nakapaghugas dahil late na akong-"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang humarap ito bigla at seryosong tumingin sa akin.

"Stop playing charades because it's useless, Riz. I know you, that's why I'm giving you a favor."

Napakurap-kurap ako at natahimik. Agad kong nakuha ang gusto niyang sabihin. The favor he was insisting, it was me who wanted to be alone than talking it out with him. Dahil kung si Kuya lang ang papipiliin, hindi niya ako hahayaang umakyat sa kuwarto nang hindi naririnig ang epekto sa akin ng nangyari kanina. He knew I wanted to deal with it alone, so now he's letting me off the hook.

He put the dishes on the sink before nearing me for a quick kiss on the temple.

"Don't make it harder than it is. Kung gusto mong makabawi, hanapan mo na lang ako ng bagay suotin sa party." Tumawa siya nang marahan.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon