Chapter 26
Human
"Tapos na kami."
Natigilan sa pagkain sina Palmer at litong tinanaw ang plato namin ni Apollo.
Ganoon din sina Seka sa kabilang table dahil sinadya ko talaga iyong iparinig sa kanila.
Samantala, nag-angat ng kilay si Apollo. "No way, girl. I'm pretty famished. I think I would even ask for seconds."
"You lost appetite? Hindi mo pa nakakalahati ang pagkain mo, Riz," si Palmer sabay inom sa kanyang iced tea.
Oh! Naibaba ko ang tingin sa sariling pagkain nang natanto ang ibig nilang sabihin.
Napanguso ako. They got it all wrong.
"Ang ibig kong sabihin, kami ni Yves... tapos na kami." Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at bumuga ng hangin. "We broke up yesterday."
Kung ako ay hangin ang binuga. Si Palmer naman ay iced tea ang nabuga pagkatapos ng pag-amin ko.
"Say what? Do tell!" si Kenna, gulat na gulat.
Pero wala na atang mas gulat pa kay Diego dahil siya ang kawawang nabiktima ng girlfriend.
"Hold your tongue! I-I'm gonna clean up first!" Pulang-pula si Palmer nang bumaling sa akin nang masama. "Next time, Riz, i-check mo muna kung may nainom o nakain bago ka gumawa ng revelations. I almost choke on the ice!"
"Hindi ko na napansin. Sorry!"
Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako. Nabugahan niya rin kasi ang kanin nila ng iced tea.
Tumayo na si Diego habang pinupunasan ang sariling mukha ng tissue. May halong biro ang pagsimangot nito kay Palmer.
"I'll get a mop. And probably order another set, too."
Napalipat na si Seka sa table namin. Hindi ko alam kung dahil sa pandidiri sa ginawang milagro ni Palmer o dahil talagang intriga sa kwento ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang estudyante.
"Paano nangyari? Sinasabi ko sayo. Don't spare us any details!"
Pagka-settle nila Palmer at Diego, saka lang ako nagkaron ng lakas na ikwento sa mga kaibigan kung ano ba talaga ang nangyari.
Ang totoo nyan, may kaonting takot na namumuo sa puso ko tuwing iniisip na darating ang pagkakataong... sasabihin ko sa kanila ang mga nangyari sa amin ni Yves.
I would hear people say "look what I told you." I would feel like an idiot for letting myself be trapped in this kind of relationship.
Marahil ay dahil sa loob ng ilang taon, napaniwala ko ang sarili na matalino ako. Na kahit anong sitwasyon ang pasukin ko, hindi ako magkakamali kailanman. Hindi ako magpapakatanga tulad ng iba. Na lagi akong makakagawa ng paraan.
Maybe I was just too complacent and arrogant because look where it led me. Palalim nang palalim ang kwento, pahina nang pahina ang boses ko dahil sa kahihiyan.
"May nakapagsabi na matagal na akong niloloko ni Yves. Kaya... naghanap ako ng solusyon para malaman ang totoo. He admitted it yesterday. There were small arguments, but I finally brought myself to... finish everything between us."
"I knew it. That's why we warned you about guys like him. We felt something off about that asshole from the very beginning," Kenna commented with a sigh.
Napakurap-kurap ako. Just like what I expected, they would think-
I was caught off guard when Palmer slammed their table.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
General FictionGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...