Chapter 2

3.7K 163 144
                                    

Chapter 2

Giovanni Clark Smith

  

Both Rouxton Field University and Mackenzie University are linked to Rouxton Academy. Sister school ang una at partner school naman ang ikalawa.

Dahil hindi available ang tertiary sa amin at hanggang SHS program lamang ang ino-offer, allowed na mag-outsource ang dalawang naglalakihang kolehiyo sa academy dahil partner schools ang tatlong ito.

Iyon nga lang, mas affiliated ang Rouxton Academy sa Rouxton Field, kung saan magkokolehiyo si Kuya, katabi lamang halos ng Academy, kaysa sa Mackenzie na hindi hamak namang mas malayo rito. Isang byahe pa.

Pero kahit na ganoon, abot-langit pa rin ang tuwa ko nang payagan ng mga Fabian na mag-aral doon. Ang kailangan ko na lang ay pagbutihan sa entrance exam para makuha ang full scholarship!

Ngayong nalalapit na ang completion namin mga junior high, nandito sila ngayon para sa Career Opportunity Seminar. Paniguradong magru-room-to-room sila mamaya!

"Apollo, wait lang. Kukuha lang ako ng flyers!" paalam ko sa kanya ilang sandali pagkababa namin.

"Sure, sure! Take your time!"

Ni hindi na niya ako malingon dahil hindi na magkandaugaga sa mga guwapong school visitors. I smirked. Pagkalinga ko sa paligid, mas naunawaan ko na ang interes ng kaibigan.

I can't blame him. Foreigner man o local students na bisitang nakakalat sa quadrangle, either way, mukhang magaganda pa rin ang lahi!

Nagtatagalog kaya sila? Napatakip ako ng bibig.

"Hi there! Good morning!"

"Everyone is welcome to join us in Mackenzie!"

Bawat sambit sa pangalan ng dream school ay lumulundag ang puso ko sa tuwa. Masyado na akong excited!

Hindi ako makapaniwalang madali lang akong nakakuha ng flyers sa rack nila. Katabi lang iyon ng booth at halos hindi nabibisita ng mga estudyante. Nagtaka tuloy ako. Pero kalaunan, alam ko na agad kung bakit.

Sa hindi kalayuan, namataan ko ang mga student model ng Mackenzie. Agaw-pansin ang kanilang presensiya. Complete uniform at malinis tignan habang namimigay ng flyers. Para silang kumikinang sa paningin ko.

Agaw-pansin ang kanilang puwesto dahil pinagkakaguluhan sila ng mga tao ngayon. Lalo na iyong nasa gitnang lalaki.

I squinted my eyes to improve my vision of him, intrigued by how crowded his post was.

Malayo man ang distansiya, malinaw sa akin kung gaano ito katangkad at kaputi, bagay na hindi pangkaraniwang makikita lamang kung saan-saan kaya halos pagkaguluhan na ng marami makakuha lang ng flyer na dini-distribute nito. May iba pang nagpapa-picture. Hindi magkamayaw ang mga tao.

I glanced at the flyers I picked for myself and compared them to the ones they were handing out. Natanto kong pareho lang naman iyon kaya bakit ko pa pahihirapan, kung ganoon, ang sarili ko? At least my source was more accessible and convenient.

"Found yah!"

Halos mapabalikwas ako nang sumulpot bigla si Apollo sa tabi ko. Tinignan niya ang mga dala ko at ineksamin iyon nang pahapyaw.

"Dear, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap kasi kukuha rin pala ako ng flyers doon!" sabay turo niya sa pumpon ng maraming tao.

Ngumuso ako at tinuro naman ang kawawang rack, malungkot at nag-iisa.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon