Chapter 30
Site Visit
Napuno namin ang conference room sa office ng SCBA para sa isang meeting.
Along with JBA, the Student Council was expected to provide manpower assistance to the faculty members of the Business Ad for the upcoming site visit of the selected graduating students. Meaning, ang 4th-year students ng College at Grade 12 students ng Senior High.
Kada taon, nakikipag-ugnayan ang Mackenzie sa malalaking kumpanya na kilala sa iba't ibang industriya para bigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng masaksihan ang tunay na mundo ng pagnenegosyo. To also widen the students' perspective bago makapagtapos sa Mackenzie.
In a matter of fact, it's not impossible for Mackenzie to coordinate and reach out to big and well-known enterprises because they are popular in their own field themselves.
Humalukipkip ako habang iniintindi ang usapan.
Sa dami ng nangyayari sa paligid, minsan nawawala na sa isip kong graduating na kami this school year.
"Just in case may makuha rin sa Student Council o JBA, tatanggalin na automatically sa list ng auxiliary," ang President ng SCBA.
Tumango ang isa pang SC. "The possibility is big. Sino-sino ba rito ang graduating na?"
Nagtaas kami ng kamay nina Seka, Luisa, Genesis, at iba pa sa JBA na ka-batch namin. Halos lahat kasi kaming officers, kasama sa graduating batch.
Kasama naman ang SCBA President sa nagtaas para sa mga 4th-year College na. Iilan lang sa mga officers nila ang graduating dahil mas diverse ang distribution ng year level sa Student Council kesa sa amin.
"I see. There's a higher chance na may makuha sa JBA. Si Luisa at Ophelia, baka piliin 'yan maging representative ng class nila. So, let's lead this team, Student Council."
Hindi ko alam kung kakabahan o mae-excite ako roon. Kung may selection ngang magaganap per class, tulad ng naririnig ko sa meeting na ito, malaki nga ang posibilidad na isa ako sa mapasama sa company site visit.
Sumang-ayon ang mga taga-SCBA. One unintentional glance and my eyes locked on someone else's.
Nakahalukipkip din si Gio sa puwesto niya, medyo may kalayuan sa akin. Pero isang baling ko lang sa direksiyon niya, nahuli ko agad ang tingin niya rito sa kalagitnaan ng pakikipag-usap niya sa katabi.
Tumikhim ako at nagpatuloy na lang sa pakikinig.
Saktong break time ng ibang klase nang ma-adjourn ang meeting namin. Kanya-kanya ang kumpulan ng mga grupo sa loob ng malawak ng conference room. Ang iba, lumabas na para makabawas sa crowd.
Nagsilapitan sa amin ni Luisa ang ilang officers para pag-usapan ang arrangement next week, kung kailan gaganapin ang company site visit.
"If ever nga na mapasama tayo sa selected reps na isasalang sa site visit, sinong contact person natin?" lingon sa akin ni Luisa.
"Si Genesis?" patanong kong sagot dahil ito naman ang sunod sa aming dalawa dahil sinibak na ang External VP position sa JBA.
Kaso lang, umiling si Genesis. "Hindi ako makakasama that day, Riz. May family reunion kami."
Napanguso ako. Sinabi niya nga pala iyon last week. Nawala sa isip ko.
Nagtaas bigla ng kamay ang Advertising Head ng JBA na si Carson kaya napabaling kami lahat sa kanya. Carson gestured his laptop case before speaking.
"While packing up, na-overheard ko sina Kuya Gio at Kuya Luigi. Baka i-suggest nila na ang Council na rin ang maggu-guide sa JBA that day."
"Are you sure?" eskandalosang kumpirma ni Luisa.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
General FictionGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...