Hi, embers. How are you? It's been so long since the last update and I owe you, guys, so much. I understand if some of you have already stopped awaiting for my return, for the continuation of this book. I apologize for more than a year of hiatus. My mind was all over the place and there was a lot to work on.
Now and then, I am still trying to pull myself together because I miss you all so much. I miss this craft. I miss my characters and their stories. The small progress hurt like a punch to me but someone made me believe that small progress is still progress.
So to those who are still there, I am more than thankful for your patience, trust, and support. I love you so much. Here's a little something to mark my comeback~!
---Chapter 19
Magic Spell
"Hey!" kaway sa akin ni Yves pagkalabas ko ng boardroom.
Para akong lumulutang habang naglalakad. Medyo nabagabag ako sa huling sinabi ni Mr. Giovanni kaya medyo tulalang sinalubong ang lalaking naghihintay sa labas.
What did he mean by pay attention?
Kumunot ang noo ko pero pinilit kong ngumiti nang salubungin ni Yves.
"Nandito ka," I stated the obvious, out of words.
"Do I seem too excited?" he laughed. "Maybe I am. Hindi na ako nakapaghintay at sinundo na kita."
"Hindi ka na sana nag-abala pa. Sapat na sa text. Pwede naman tayong magkita sa baba."
Nagsimula na kaming maglakad. Hindi pa rin kasi ako sanay. Medyo ilang pa dahil sa dami ng tumitingin at bumabati sa kanya. I almost forgot how well-known their group is.
Tumikhim ako. Imbes na batiin pabalik ni Yves ang ka-batch na nakasalubong sa hallway, bigla siyang tumigil sa harap ko suot ang mapaglarong ngisi.
"Exactly, Riz. Because we ain't going somewhere else. I got you. Allow me to lead the way," madrama niyang mwestra sa daan bago ako igiya sa tinutukoy niyang destinasyon.
Dinala niya ako Student Council office. Laking gulat ko nang tumambad sa amin ang mga JBA officers at ilang members. Pati na rin ang ilang taga-SCBA. Medyo maligalig pagkapasok namin kaya napasinghap ako nang konti.
"Ang galing mo! Pride kayo ng buong org! Kayong dalawa ni Gio!"
"We're so proud of you, Ophelia!"
"Thank you..." I pressed my lips to suppress my smile. I was too overwhelmed but in a positive way.
Parang sasabog ang opisina pagkarating namin dahil sa mga bati at palakpakan nila. Hindi ko rin inaasahan na ganon ang salubong nila sa akin. I was never been this celebrated and validated. Dito lang talaga sa Mackenzie.
Hindi ko na napigilan ang malawak na ngiti.
Umabot na pala sa kanila ang balitang opisyal na kaming kasapi ng CBI Awards upang i-represent ang Mackenzie. Kung sa bagay, sadyang konektado ang org sa administration. Hindi na nakakagulat. Pero hangga't maaari, nililimitahan pa lang ang mga nakakaalam. Sa katunayan, mas dapat pa akong magulat na inabot pa ng halos isang linggo bago nalaman ng buong organization ang tungkol doon.
"Manlilibre na 'yan!" Umaktong mangingiliti si Seka.
Tatawa-tawa akong napailing habang papunta sa desk ko. Ano nga ulit ang agenda para sa assembly ngayon?
Binalikan ko ng sulyap ang kaibigan. "Promise. Kapag nakaluwag-luwag na, sagot ko na ang merienda natin. Pero hindi muna ngayon, ha!"
They cheered. But some of them boo-ed playfully. Pabagsak pang umupo si Luisa sa harap ng lamesa ko.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Aktuelle LiteraturGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...