Chapter 5
Welcome Party (Part 2)
I know I should be having fun right now. I even tried to brush away these clamoring thoughts but to no avail.
Humalumbaba ako sa mesa kahit pangit pa tignan. Medyo nawalan nga ako ng enerhiya dahil sa ilang mga bagay na gumugulo sa utak.
"Gutom na ako. Ang tagal ng seniors," buntong-hininga ni Kenna sabay sandal sa upuan niya.
Kakadeklara lang kasi ng ilang Grade 12 organizers na on the way pa lang ang mga upperclassman na nagplano para sa kasiyahang ito. I heard they're actually college students from the Business Department. Every year, their committee don't want to miss this chance to welcome newcomers under their track.
Kenna and Palmer were busy talking when a specific name captured my attention.
"Konting hintay na lang naman daw, e! Gutom ka now, busog ka later pagdating ng mga senior!" gigil na bulalas ni Palmer.
"Totoo ba talaga? Parang ang hirap paniwalaang pupunta 'yong Giovanni sa ganito. Dahil sa kanya kaya desidido ako lalo sa Mackenzie, e."
Medyo napaahon ako para makinig sa kanilang usapan. Dinungaw ko si Kenna, mukhang nawawalan na ng pag-asa ngayon. Diego pointed at me with a playful shock as if insinuating something.
Napailing ako at nagkunwaring lumingon lang dahil susuriin ang menu. Wow. Their asian cuisines are assorted and delish!
"I know it's hard to believe. Men like him are usually selective when it comes to parties and crowds, but mind you! He's the total opposite daw kasi napaka-approachable at certified people person!"
Approachable!
Napasampal ako sa aking bibig para itago ang kusang pagngiwi ng mga labi ko. Thank goodness they were all engrossed in their conversation.
Huwag ka pahalata masyado, Riz. Baka pa patumbahin ka ng fans noon!
"You got a point," si Kenna na tila nakukumbinsi na. "Noong nagpa-picture ako sa kanya sa school, hindi ba pinisil niya pa ang pisngi ko pagkaba-bye ko?! The best moment!"
Ewan ko, pero nagki-cringe na ako sa usapan. Pinili ko na lang libangin ang sarili sa paligid. How come our concepts of that guy don't fit in?
Hinilig ko ang ulo sa kamay at nakapili na rin ng oorderin para mamaya. Mabuti na lang kahit papano, kinukuha na paunti-unti ang aming mga order para ma-prepare na. And heck. The emission of food aroma within the place is luring our hunger!
Kasalukuyang nagkakatuwaan ang mga Grade 12 ABM students sa kanilang long table 'di kalayuan.
Tanaw sila ng lahat dahil nakatayo at maiingay kaya nalilibang din ang mga nanunuod. Napapangisi ako paminsan-minsan. Pero nang nagtaas ng kamay ang isa sa kanila habang nakatutok sa phone, unti-unting humupa ang tawanan para alamin kung bakit.
"Nandyan na mga taga-Business Ad!"
The whole place erupted in cheers and excitement. A chef also announced that the foods are ready to serve at hinihintay na lang ang pagdating ng mga punong-abala.
Tulad ng inaasahan, isa-isang nagsidatingan ang tatlong sasakyan. Pumarada ang mga ito sa reserved parking space na nasa harap ng restaurant. Tatlong lalaki at dalawang babae ang bumaba mula sa crossover. Ito ang nauna at nagtungo agad sa entrance ang mga sakay habang nahuli ang lalaking nagmaneho.
"Sorry, we're late!" natatawang salubong ng isang babaeng matangkad sa mga nagsipuntahan sa kanilang bahagi.
Pagkarating ng convertible, dalawang lalaki at babae naman ang naroon. Saka ko lamang napansin na sila marahil ang grupo na natanaw ko kanina sa Orientation. Iyong mga naka-collared school shirt!
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Aktuelle LiteraturGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...