Chapter 12

1.9K 108 298
                                    

Chapter 12

Limits

I can say that it was only a spur of the moment. Nang nalinawan sa inasal ko, mabilis akong nagsisi roon.

I wonder if he followed what I said. Did he get it? Paano kung nabasa niya ang mga labi ko?

Napasinghal ako sa sarili. Ang laki mo naman kasing tanga, Riz! Anong sumagi sa isip mo at ginawa mo iyon? Ano na lang ang mukhang ihaharap mo sa kanila mamaya?!

Mariin akong napapikit ng mga mata at dinama ang puso dahil kanina pa iyon naghuhuramentado.

"Let me guess. You did something stupid again, didn't you?" si Apollo dala ang tray ng mga pagkain namin.

Napaahon ako mula sa pagkakayuko at hinintay muna siyang makaupo sa harap ko. I ended up grabbing my breakfast with him.

Hindi ata kaya ng sikmura kong sumama kina Seka dahil pakiramdam ko, lumagpas ako sa linya. Na kapag tumagal pa ako sa isang lugar kasama ang lalaking iyon, isang maling galaw lang ay isang patibong ang sasalubong sa akin. Hindi bale na!

Inabala ko kunware ang sarili sa pag-aayos ng mga pagkain namin.

"Hindi, a! Bakit mo naman nasabi?"

Kahit hindi nakatingin sa kaibigan, ramdam ko ang duda sa kanyang reaksiyon. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinablot ang kaliwang kamay ko kaya muntik nang matapon iyong nuggets!

"Look at your skin around this area," sabay turo niya sa partikular na daliri ko. "Namumula, dear. And it only means one thing to me. You're twiddling your ring again, and that points to another thing! You're anxious. Not to mention that face you're making a while ago."

He rolled his eyes at me before tossing my hand.

Gusto ko sanang biruin na nag-iimprove na siya. Nagiging makilatis na dahil nakuha niya iyon sa akin. Ngunit minabuti kong tumahimik na lamang bago lalong magisa ni Apollo.

He peeped at me. I closed my mouth shut before I saw him roll his eyes again. Umamba na siyang magsasalita ulit pero isang kaklase ang lumapit sa table namin. Nakahinga ako nang maluwag.

"Good thing I found you, Ophelia!" Raquel made a halt by our table, relieved.

Pareho kaming napabaling ni Apollo sa kanya. Raquel is our class Vice President. Habang abala ako sa JBA, siya muna ang namumuno sa klase kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Maaasahan, at sa katunayan, hindi hamak na mas magaling makihalubilo sa mga kaklase kaysa sa akin. She's pretty, too. Wala nga lang akong ideya kung anong sadya niya ngayon.

"Raquel. Kamusta?"

She smiled at Apollo first before shamelessly sitting on the vacant space beside me. Sa gulat ay napausog ako nang kaonti para makaharap siya nang maayos sa akin.

"Since wala ka halos for the whole week, sa akin na ni-rely ni Ma'am ang concern mula sa College of Business. Starting next next week, after ng School Festival, may makiki-share ng room sa atin from Business Ad."

My lips parted a fraction. "Bakit daw?"

Mula sa pagsulyap niya sa aking kabuuang hitsura, binalik niya ulit ang tingin sa akin bago nagkibit-balikat.

"May kailangan daw i-renovate na isang floor sa Business College. Lahat ng classes sa palapag na iyon, mapipilitang maki-share ng room sa building natin dahil mas compatible ang sched natin sa ibang subject nila. And there, isa ang room natin sa mga napiling i-occupy after classes natin."

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon