Chapter 4

2.7K 117 285
                                    

Chapter 4

Welcome Party (Part 1)

"How could it be possible?"

"Ang ano?" tanong ko sa kanya.

Kalalabas ko pa lang ng restroom, iyon agad ang bungad niya sa akin. Naghugas kasi ako ng kamay tapos hinintay niya pala ako sa labas.

He jogged in front of me and walked in reverse to face my direction. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa at medyo kinabahan pa dahil baka mabangga siya.

Pero bago ko pa siya masaway, ngumiti na siya at inabot ang kamay ko.

"Your looks are average, but how could you be this beautiful at the same time?"

What?

Parang umusok ang tenga ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Alam na alam niya ang reaksiyon ko kaya lalong lumawak ang ngiti niya bago umayos ng lakad.

"I'm not bluffing, okay? I really am curious," dagdag pa niya at hindi iyon nakakatulong!

Umiwas ako ng tingin at sinulyapan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa akin. Napalabi ako.

"Hindi ako naniniwala. Ikaw lang naman ang nagsasabi sa akin nyan..."

Natanaw na namin ang aming table hindi kalayuan. Kompleto na rin kami. Naroon ang pamilya namin pareho. Pero kahit na ganon, walang takot niyang hinagkan ang kamay ko.

"Ganoon talaga, Elia. When you're in love, your vision becomes extra filtered when it comes to the one you love. Kahit gaano kaordinaryo ang hitsura mo, maganda ka pa rin sa paningin ko..."

My heart skipped a beat as my breathing hitched. Gulantang akong napaharap sa kanya ngunit tanging ngiti lamang ang pinakita niya sa akin.

A kind of smile that's beaming, that seemed to radiate pure joy and sincerity around the whole place. A kind of smile that I wanted to look at forever... and never fade.

Maliwanag at masayang panaginip ang nagpabangon sa akin. Ngunit sa tindi ng pintig ng puso at tagaktak ng pawis ko, sa halip ay para akong binulahaw ng masamang bangungot.

I was running out of breath. My hands landed on my chest to check my pulse because my heart pounded like a brutal hammer.

It took me a moment to realize it was only just a dream. Saka lamang ako nahimasmasan nang natanaw ang paggalaw ng kurtina sa hangin.

I heaved a deep sigh to hush my nerves and brushed my hands on my face.

"H-How long has it been..." tulala kong bulong sa hangin habang hinahaplos ang malamig na singsing.

Dumapo roon ang mga mata ko. Kasabay noon ang pag-ukit ng munting ngiti sa aking mga labi.

"It's nice to... see that smile again."

It's been three years already. I thought I have moved on, but dreaming about him today proved me one thing.

I still missed him so much...

Hindi kalaunan, napagpasyahan ko na ring bumangon nang tuluyan sa kama at tignan kung anong oras na.

Nang natantong hindi pala nag-alarm ang phone ko, halos baliktarin ko na ang buong kuwarto sa sobrang frustration at pressure!

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon