Chapter 17

1.9K 103 157
                                    

Happy 30k followers to us! Thank you for all your support, especially for the patience. My apology for the late update, but I hope you enjoy what we got here. Luv you!
---

Chapter 17

Poet

 

Klase-klaseng bagay ang gumugulo sa utak ko pagkatapos ng tagpong iyon. Their cousins?

Una sa lahat, may parte sa aking naghihinala na sa koneksiyon ni Mr. Giovanni sa mga reputadong bisita ng Mackenzie.

Bearing that in mind, I know my initial reaction should be something like a sense of triumph and self-satisfaction. Pero salungat doon ang naramdaman ko nang isiwalat ni Yves ang nalalaman.

I felt like I've been punched in the gut. A part of me faltered as if I finally woke up to reality.

"Ilang taon na kaming magkaibigan. I already know him enough to assert that he's not what everybody thinks he is." Marahang napailing si Yves, tila dismayado nang may naalala. "Plus, there's something's wrong with him..."

The remarks and revelations I obtained from him played in my head repeatedly like a broken record.

Gayunpaman, bukod pa roon ang panibagong surpresa na naghihintay sa akin kinabukasan.

Nakasilid ang isang sulat sa loob ng kaparehong libro. But unlike what I anticipated, today's note was written on a different paper. Medyo malabo rin ang pagkakasulat. I grazed my fingertips upon its surface as I read it.

 
You wanna know who this weakling is?

 
My heart pounded. I know I was taking my time to sway the poet and share the billion-dollar worth of information with me. Pero hindi ko inaasahang ito mismo magsisiwalat noon.

Kumuha ako ng panibagong papel para isulat doon ang sagot ko. Masyado kasing maliit ang pinagsulatang papel ng kasulatan, sakto lamang sa tanong niya kaya hindi magkakasya ang sagot ko.

Of course it's a terse yes! Bakit ko tatanggihan ang biyaya kung ito na mismo ang kusang lumalapit sa akin, hindi ba?


Absolutely. Tbh, I'm dying to get his name. People like that, they should mind their own business instead of inconveniencing others just to gain satisfaction from it.


Tinatak ko sa isip na malaking bagay ang simpatya sa ganitong pagkakataon. Besides, empathy is a no-brainer. In a way that it naturally surfaced to me without pushing it.

Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ng kung sino man ang nasa likod ng tulang iyon. Dahil sa aspetong ito, halos pareho kami ng hinaing at sama ng loob. Kaya malaki rin ang posibilidad, hindi ba, na ang taong kinamumuhian namin ay iisa lamang.

Pagkatapos iyong ibalik sa lalagyan, bumuga ako ng malalim na hininga bago suyurin ng tingin ang paligid.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Bukod sa sulat at sa huling araw na ngayon ng exam, ngayon ko rin ipinangako sa sariling kakausapin ko si Raquel.

I should put an end to this. Inisip ko na lang, wala namang mawawala kung lilinawin ko ang lahat ng kung anong malabo sa pagitan naming dalawa.

Heck. I hate this feeling. I hate the feeling of uncomfortableness and awkwardness around people, especially those with whom I get to interact on a daily basis. Para bang may nakapatong na dambuhalang bato sa akin na kailangan kong pakawalan.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon