Chapter 21

1.4K 74 85
                                    

Chapter 21

CBI Awards (Part 1)


Hinigpitan ko ang kapit sa hawakan ng tren bago silipin sa bintana ang namumuong lagim sa kalangitan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, lumitaw ang kidlat sa gitna ng mga ulap na animo'y may tinatagong sama ng loob kaya napatikhim ako.

"You should've accepted my offer when presented." Parang multo sa tainga ko ang pamilyar na litanya ni Yves. "See? I told you so."

Pumikit ako nang mariin. That's to be expected, alright? He offered me a ride to Mackenzie but I declined because I didn't want to bother him. Maaga pa masyado. Iyon nga lang...

Sinulyapan ko ang pantalon at napangiwi sa tanawin.

There were traces of mud all over the hem of my pants and dirt stains on my shirt. Great! Ayaw kong magmukhang basang sisiw sa CBI Awards Competition pero paano ito ngayon?

Yes, you heard it right. Finally, the most awaited day has come. Today is the day. But this unfortunate turn of events gives me a premonition of more imminent disasters.

Napapikit ako nang mariin.

Hey, Tobie. Are you there? It's been hard for me lately. But I hope I've done enough to do well today. You'll look out for me me, right? Everything's gonna be fine, right? This day will be ours. I promise me you...

Diniin ko ang hawak sa singsing na nasa daliri bago bumaba pagkarating sa station ko.

Pwede na sana kaming magsabay ni Kuya Orpheus patungo sa venue pero syempre, may kanya-kanyang meeting place ang team namin.

Dali-dali kong binuksan ang payong nang palabas na sa shed ng platform. Tulad ng inaasahan, wala ako halos kasabay sa pagbaba ng tren ngayon. Kung meron man, iilang empleyado o trabahador, hindi estudyante ng Mackenzie.

It has been a bit of a disaster lately. Naging mahirap sa akin ang pag-aadjust nang tuluyan nang kumalat sa eskuwela ang relasyon namin ni Yves.

There were haters and bashers, but there were supportive people like my caring friends, classmates, and orgmates. Hindi ko nga lang sigurado kung boto ang lahat ng kaibigan kay Yves dahil ramdam kong napipilitan lamang sina Palmer at Kenna na tanggapin ito para sa akin.

Una pa lang, aware ako na medyo negatibo talaga ang imahe ni Yves sa kanila. But they're civil, tho, whenever he's with us. I am beyond thankful to them for that.

As I walked towards the entrance gate, the wind was so extreme for me to handle. Para akong tinatangay ng hangin at halos liparin na ang payong ko! I groaned to myself and marveled my eyes around.

I caught two employees running towards the gate as they gripped on their umbrellas as if holding on for dear life. Sa tindi ng buhos ng ulan ngayon, alam kong may ilalakas pa ito. Kaya naman in-adjust ko ang bag na dala paharap at halos yakapin na ang payong, handa na sanang takbuhin ang distansiya ng gate.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, kasabay ng pagbaliktad ng aking payong ay ang pagragasa ng sasakyan sa bahang naipon sa gutter. The contaminated water was splattered all over my body.

Oh. My. God.

My jaw dropped on the floor. Sa mga oras na iyon, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

I didn't care about my appearance anymore. Mas mahalaga pa sa akin ang mga dala sa bag kaya without second thoughts, nagmadali na ako papasok sa Mackenzie, pinapayungan ang mga dala ko. What a lucky day!

Kahit papano, nakahinga ako nang maluwag nang malaman kung gaano pa kaaga.

I still have 35 minutes left before the call time. Ilalapag ko lang muna sa conference room ang mga gamit ko para malaman nilang nakarating na ako, bago magbihis.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon