Chapter 27
Right Girl
As one of the most awaited events at Mackenzie University commenced, we gathered in our rooms to watch the local telecast.
Halos malapit nang matapos ang klase. Lahat ay tutok na tutok sa flat screen TV para subaybayan ang mga kaganapan sa CBI Awards. Sobrang supportive din ng mga professor kaya nilaan na ang nalalabing oras ng klase para suportahan ang mga representative ng Mackenzie.
Actually, it's been 2 hours already. So far, so good. Sa unang round pa lang, alam na naming may laban ang mga kalahok ng eskuwelahan.
For every chance we got to witness our representatives advancing to the next round, every room in Mackenzie would erupt in extreme anticipation and excitement. Everything was so intense!
Pakiramdam namin ay isa kami sa mga kalahok. Dama namin ang kaparehong kaba at saya ng bawat representative lalo na tuwing tinututok sa kanila ang camera. Kahit replay na lang ito ng mga kaganapan kanina sa mismong kompetisyon, nakakapanabik pa rin ang bawat tagpo.
Yes, that goes for me, too. But for some reason, I was a bit... uncomfortable. Just watching the competition from afar brought me utter discomfort and uneasiness.
By now, they're probably waiting for the final results out there. If things worked differently last time, would I be able to join the competition again? I wondered...
Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay na nakahimlay lamang sa kandungan ko.
It's not that the superiors left me behind. It's the fact that the internal guilt within me outshines my morale and confidence to even volunteer or sign up.
I felt... humiliated. By my own incompetence. In front of everybody.
"Sayang! Hindi nakasali si President this year!"
Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon. Dahil don, nawala ang atensiyon namin sa TV. It came from the back. I think it was an honest and harmless opinion, but it backfired in no time.
"Our hands are full this school year. Maybe that's why?"
Napasulyap sa akin ang mga kaklase, puno ng kuryosidad ang hitsura. Hindi pa nakatulong na eksaherada ang paglingon sa akin ni Apollo at ng iba.
Nagmanhid ang buong pagkatao ko. Hindi ko magawang makapagsalita.
"I heard selected talaga ang participants ngayon. Mahusay raw iyong Hennessy."
"Huh? Haven't y'all heard the issue?"
Dahil doon, lahat ay napalingon sa direksiyon ni Beatrice na siyang pinakamalapit na kaibigan ni Raquel sa classroom.
Nang nagtama ang tingin namin ng huli, pareho man kaming tahimik sa gitna ng kaguluhan, ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura ko.
Ang totoo nyan, hindi naging maingay ang isyu noon, pero hindi rin ito naging sikreto. Maybe because the reason why we lost wasn't actually exposed to the public, but to those people who were observant of the event details and losing factors, they would eventually grasp it.
Some people had an idea why we lost the business plan competition... Some people knew why I didn't participate in this year's CBI Awards.
I knew the time would come when this issue would torment me eventually. It was inevitable. For someone who worried and cared about even the tiniest details... it was a nightmare. That's what I felt.
Dahil nag-commercial break muna ang pinapanuod na telecast, mas lalong napunta kina Beatrice ang atensiyon. Nagliwanag ang mukha niya dahil doon.
"Hindi niyo ba napansin?" tawa niya sabay kuha ng phone.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Aktuelle LiteraturGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...