Chapter 1

5.5K 166 129
                                    

Chapter 1

Mackenzie

If you are to choose between dream and dignity, what would it be? I asked myself.

Kinagat ko nang mariin ang aking pang-ibabang labi habang nakatulala sa harapan ko, halos nilalaro na lang ang pagkain dahil sa lalim ng iniisip.

Sitting in front of me, Mama, and Kuya Orpheus were Tito Cent, Tita Jean, and their eldest, Ulrik Vinceton Fabian.

Nasa isang pribadong silid kami ng napiling restaurant. Medyo sanay na kami dahil hindi basta-basta ang mga kasamang personalidad. Bukod sa tinitingala ang mga ito sa negosyo, mga batikan din ito pagdating sa modeling industry, noon man hanggang ngayong may sarili nang pamilya. The three of them looked stunning and gallant in their hand-picked clothing.

Inimbitahan nila kami para sa simpleng dinner na kung tawagin nila. Pero syempre, hindi kami pareho ng depinisyon doon dahil allowance ko na, panigurado, nang dalawang buwan ang total bill namin dito!

Isa pa, alam na alam ko kung bakit kami nandito ngayon. Napakislot na naman tuloy ako sa puwesto, kinabahan lalo nang naalala ang desisyon.

In a matter of fact, Kuya and I are only two of their lucky scholars under their educational assistance. And of course, it's the time of the year again. I sighed.

"Where are you planning to go to College again, Oriz, hijo? Same school?"

Ayan na, nagtatanong na si Tita Jean! Tingin ko, sinadya pang tawagin si Kuya sa palayaw niya para pagaanin ang tensiyon sa aming magkapatid. Alam na alam talaga nilang pangungunahan na naman kami ng hiya.

Pero iyong totoo ba. Hiya o pangarap, Rizette?!

My older brother, Orpheus Rizieri cleared his throat, putting his fist in front of his mouth as he swallowed the food.

"Uh... kahit saan naman pong may ino-offer na course ko, walang problema sa akin," magalang niyang sagot.

"Is that so? I thought you want to pursue it in the same school, too? Rouxton?"

Marahang umiling si Kuya. "Mas mahal na ang matrikula sa tertiary, Tita. Hindi na po kailangan ng prestihiyoso ulit."

Hindi pa man siya nangangalahati sa sinasabi, napapailing na si Tito Vince. Ulrik grinned beside him, mocking Kuya.

"Be honest, Orpheus. We can still meet the expense of tuition in case you prefer Rouxton. Walang problema sa amin ng Tita mo," Tito Vince in a negotiating demeanor.

Sumulyap si Kuya kay Mama.

Ang totoo, pareho kami ng school ngayon. Rouxton Academy. Private iyon at magandang eskuwelahan, prestihiyoso, kaya naiintindihan ko ang desisyon ni Kuya. Nahihiya kami pareho. Totoo iyon.

Mas matanda siya sa akin nang isang taon pero accelerated siya dati sa junior high school. Kaya naman kahit Grade 10 pa lang ako ngayon, siya, Grade 12 na at ready na mag-College next school year.

"Kung alam mo lang, Dad. Gustong-gusto talaga nyan doon. Gustong-gusto..." makahulugang biro ni Ulrik kay Kuya kaya masama na ang tingin ng huli.

I looked at them with curiosity, clueless of what it's all about. It's a guy thing I guess?

Sa huli, napagkasunduan na ng lahat na doon na rin mag-College si Kuya. Mukha ngang gusto niya roon pero nahihiya lang magsabi kaya nahuli rin agad ng mag-asawa. Idagdag pa ang biro ni Ulrik. Lalo tuloy nabisto ang kapatid ko.

"How about you, hija?" sabay baling sa akin ni Tita Jean.

Napaayos ako ng upo. It made me stop playing with the foods and my stomach to hallow. After mulling over it again and again, I realized something.

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon