Happy 27k followers! Thank you rin sa paghihintay at pag-unawa :)
---Chapter 15
Poetry
"Hija, nariyan ka na pala. Pasok ka!"
Hindi pa man ako nakakalapit sa door bell ng pribadong mansiyon, namataan agad ako ng isa sa matatagal nang kasambahay ng mga Fabian.
Mabilis na umukit ang ngiti sa aking mga labi. Pinagbuksan nila ako ng gate kaya sumunod na ako patungo sa loob ng mansiyon.
"Nasa taas pa ang mag-asawa. Maupo ka muna riyan at mag-aasikaso na kami sa kitchen," bilin nito.
Nagpasalamat ako at dumiretso na sa nakagawian kong puwesto sa malawak na tanggapan.
Sabado na ngayon at nandito ako dahil nabalitaan nila Tita Jean ang nangyari last week. Because it involved the allowance and card they gave me, they were concerned about it.
Ayon kay Kuya Orpheus, nalaman niya kay Ulrik na inaksiyunan agad ito ng kanyang mga magulang. Kung wala lang akong sakit nitong mga nakaraang araw ay baka agad akong pinapunta rito.
Sa kabila ng hiyang nararamdaman sa kanilang malasakit, I weighed my priorities again. Dignity or dream?
Pero parang hindi na nga kailangan noon. Dahil hindi kailanman pinaramdam ng mga Fabian na kailangan naming isakripisyo ang dignidad para dinggin nila ang tulong na kailangan namin. Bagkus, kusa nila itong hinahandog.
Hindi ko na namalayan ang ngiti sa iniisip. Sila ang pangunahing dahilan kung bakit nagbago, kahit papano, ang pananaw ko sa mga mayayaman.
Ilang yabag ng mga paa ang pumutol sa pagmumuni-muni ko.
Sa pag-aakalang sina Tito Vince at Tita Jean na iyon, saka ko lamang naalala na posible nga palang makasalubong dito si Ulrik. Siguro'y pinakiusapan ng mga magulang na umuwi rito dahil mas madalas na ito sa sariling condo unit.
Abalang nakikipagtitigan si Ulrik sa kanyang phone, binabaybay ang daan patungo siguro sa dining area. Halos malagpasan na ang living room nang alisin doon ang mga mata para mag-angat ng tingin.
Saka niya lamang ako napansin.
"Riz! Nandito ka na pala. Sorry, I wasn't attentive. Kanina ka pa?" aniya sabay bago ng direksiyon patungo rito.
Gusto ko sanang biruin. Hindi niya talaga ako mapapansin kung halos idikit niya na sa mukha niya ang phone. Pero tumayo na lang ako at ngumisi.
Sinenyasan niya naman akong hindi na kailangan noon kaya bumalik din agad ako sa pagkakaupo. He sat perpendicular to me.
"Hindi naman. Wala pang 10 minutes."
Ulrik nodded, tapping his phone against his lap lightly. Para bang hindi mapakali sa kung anong naroon. Baka may hinihintay na message? Hmm!
"You went by yourself?" he then looked around to see if there's Mama and Kuya before pointing upstairs upon checking. "Want me to call them for you?"
Mabilis akong natauhan at umiling.
"Ha? Hindi na! They can take their time. Wala rin naman akong ibang lakad kaya ayos lang. At saka, ngayon na lang din ako nakabisita rito..."
Pagkatapos kong sabihin iyon, parang magnet na bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay ko, sa partikular na daliri, kaya natiklop ko ang mga kamay nang dahan-dahan.
Madaling nakuha ni Ulrik ang ibig sabihin noon. Tumikhim siya at ngumiti na lamang sa akin—that typical playful grin of him as if nothing happened.
BINABASA MO ANG
Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
General FictionGiovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He defies the cold and distant image of a man as flawless as him cultivated by society by being a man of smiles, greetings, courtesy, and respect...