Saludo Ako Sa Mga Sundalo (Part 1 Book 1: Adbokasiya)

308 6 0
                                    

Bago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na iyon. Ang mga ito ay: 1.) No To Paputok 2.) Saludo Ako sa Mga Sundalo 3.) Saludo Ako sa Mga Guro Sa pagbasa ng aking kwento, mainspire sana kayo sa mga Sundalo. Gawin niyo silang inspirasyon. Narito ang aking kwento: Alam mo ba kabataan kung bakit ka dapat sumaludo sa mga sundalo? Narito ang mga dahilan: 1.) Ano't ano pa man ang mangyari, mataas man o mababa ang sweldo nila, hindi mo maiaalis ang pangamba sa kanilang pamilya at ang dignidad na taglay nila sa kanilang puso, yun bang tipong "Delikado man, tutuloy yan sa laban, Sundalo yan eh." 2.) Nung bata yan kahit sabihin pa sa kanya na delikado ang maging Sundalo, nung paglaki niyan nag-Sundalo pa din. 3.) Na-imagine mo na siguro kung gaano kasakit yung katawan nila nung nagsisimula pa lang sila sa training pero nung yari na sila sa training mas lalong sumakit katawan nila dahil duty naman. 4.) Yung sakripisyo nila at sakripisyo ng pamilya nila na hindi sila magkita tuwing may mga mahahalagang okasyon. 5.) Minsan may mga gyerang gabi na hindi pa natatapos kaya wala ang word na "puyat" at "pagod" sa dictionary nila. Ilan lang 'yan sa mga dahilan kung bakit dapat tayong sumaludo sa mga sundalo. Kaya nga ikaw bataan, ikaw kababayan, ikaw kapwa ko tao, nawa'y kahit sa pinakasimple mong paraan, sila'y iyong masaluduhan.

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon