Saludo Ako Sa Mga Sundalo (Part 12 Book 1: Ang Beteranong Sundalo)

295 0 0
                                    

Maligayang Pagbati. Ngayong araw ang tatalakayin kong paksa ay "Ang Beteranong Sundalo". Ano nga ba ang mga mahahalagang legasiya ng Mga Beteranong Sundalo? Tara, sabay-sabay tayong magbasa!

Ang Mga Beteranong Sundalo ay ang mga sundalong matagal na sa serbisyo at ang mga sundalong nagreti8ro na pati yung mga Sundalong nasawi sa bakbakan at sumalangit na. Sila ay nararapat nating alalahanin.

Ang Mga Beteranong Sundalo ay mabibigyang importansya natin sa pamamagitan ng pagtataguyod natin sa katahimikang kanilang ipinaglaban at mga mabubuting presipyong kanilang iningatan. Hindi biro ang sakripisyo na inalay nila upang mga makamit ang ganyang mga bagay.

Naniniwala ako na maipapasa sa mga susunod na siglo ang isang totoong kwento ng kabayanihan nila at naniniwala ako na balang araw, may mga tao rin na magtataglay ng kabayanihan at gagawa ng isang mahusay na kasaysayan.

Sana ay lagi nating papanatilihin sa ating mga puiso ang Mga Beteranong Sundalo. Ang Sundalo na nagtaguyod sa katahimikan.

Sana ay dumami pa ang batas na magtataguyod sa mga benepisyo ng Mga Beteranong Sundalo.

Maraming Salamat. Mabuhay ang Mga Beteranong Sundalo.

God Bless. Sa Diyos ang kapurihan.

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon