Maligayang Bati. Tara, sabay-sabay nating basahin ang aking istoryang ikekwento.
Ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran ay lubos na nauunawaan ng Panginoon. Alam niya na tayo ay hindi niya pababayaan. Sa bawat gyerang dumadanak sa ating paligid ay ang walang kapagurang pagyakap at pagmamalasakit niya sa atin. Hindi niya pababayaan ang kanyang mga anak, ang kanyang biniyayaan. Kung paano tayong tinubos sa kasalanan sa pamamagitan ng anak niyang si Hesus ay ganon niya tayo kamahal. Kaya sana gumawa tayo ng mga mabubuting bagay upang alalahanin ang kaniyang sakripisyo para sa atin, at ng anak niyang si Hesus, ang ating Diyos Anak.
Kaibigan palagi mo sanang aalalahanin na may pag-asa ang lahat, kumapit tayo sabay-sabay kaibigan at naniniwala ako at nalalaman ko mula sa aking isip patungo sa aking puso, hindi niya tayo pababayaan. Sa bawat pagsubok kaibigan, maniwala ka sa kanya. Hindi niya tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin malalampasan. Ituro natin sa ating Mga Anak ang paniniwala sa kanya upang maihayag natin sa kanila ang mabuting balita. Ang balita ng pagkakatubos natin mula sa kasalanan. Tayo sana ay laging mananalig sa kaniya. Tayo sana ay huwag mawawalan ng pag-asa.
Kaibigan, ang pagsubok na dumadating sa ating buhay ay parang 4th Grading exam niyo nung bago ka grumaduate sa Grade School, High School at College o kahit anong baitang, gagraduate ka naman talaga, ikaw ay sinusubok ng Guro mo kung natuto ka talaga. Ganun din ang pagsubok kaibigan, malalampasan mo naman 'yon talaga, sinusubok ng Panginoon kung hanggang saan ang kakayanin mo para manghingi ka ng tulong sa kanya, pangako kaibigan hingin mo lang ang tulong niya at ikaw ay kanyang tutulungan. Anak ka niya eh. Nilikha ka niya. Alam niya ang iyong nararamdaman.
Kaibigan sana ang mensahe ng pag-asa ay tumuloy sa puso't isipan nating lahat. Kayang-kaya natin 'yan kaibigan. Sa bawat pagsubok ay ang puso at isip mo na lalo niyang pinapatibay upang mas lalo mong kayanin ang mga susunod na eksaminasyon at ikaw ay bibiyayaan niya ng puso at isip na punong puno ng pag-asa. Ang pag-asa na maiisip mo sa iyong puso at isipan na may pag-asa ang lahat. Ang pag-asa na palagi mong gagawin at susundin sa iyong puso at isipan kung ano ang tama, kung ano ang dapat. Pagpalain tayo lahat ng Panginoong Diyos.
Kaibigan, may pag-asa ang lahat.
Maraming Salamat. God Bless.
BINABASA MO ANG
Saludo Ako Sa Mga Sundalo
AçãoBago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na...