Saludo Ako sa Mga Sundalo (Part 4 Book 1: Pagpupugay)

132 0 0
                                    

Magandang araw. Narito muli ako upang talakayin ang isang paksa. Ngayong araw ay tatalakayin ko ang mga espesyal na mga pagpupugay sa mga sundalo partikular na sa SAF at sa mga miyembro nito.

Nararapat natin silang bigyang pugay ngayong darating na Valentine's Day. Sila itong ikekwento mo sa mga anak mo, sa mga inaanak mo, sa mga apo mo hanggang sa apo ng apo mo. Sila itong dapat hirangin na bayani dahil sila ay may nagawa talaga at hindi drawing.

Sa pagpupugay sa kanila, binibigyang pugay natin ang mga tagaligtas ng ating bayan, ang mga tunay na Sundalo.

Isa sa mga kinabibiliban ko sa mga Sundalo ay hindi marunong mamulitika, Kahit sinong Pangulo ay Sundalo pa rin sila sapagkat ang sundalo namumuno sa Bayan kahit kailan. Ang ginawa nilang sakripisyo nawa'y magbigay man lamang sa kanila kahit kaunting benepisyo,

Mga paghihirap nila sa training, mga sandaling napadpad sa gyera, mapapawi natin ang lahat ng pagod nila sa pamamagitan ng pag ala-ala sa kanila. Sapagkat ikinararangal kong ulit-ulitin na ang Sundalo lumalaban kahit ang tangi nitong armas ay ang kanyang prensipyo. 'Yun lang sapat na para lumakas ang loob niya.

Mga pangalan nila'y inukit sa kasaysayan. Bansa nati'y lagi silang ikararangal. Pulis-Sundalo na tinawag nating lahat na Tagapagligtas. Salamat sa Diyos at sila'y kanyang nilikha.

MABUHAY!

Salamat po sa pagbasa ng aking kwento!

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon