Ang pahinang ito ay sadyang idenededicate ko para sa mga SAF 44. Ang lahat ng pahina sa kwentong ito ay idenededicate ko sa lahat ng mga Sundalo at sa ating lahat.
Nario at sisimulan ko na ang aking kwento:
Noong ika-30 ng Enero, taong 2015, ipapatupad sana ng mga pulis ng PNP under SAF team ang warrant of arrest na nakalatag laban sa teroristang may alyas na "Marwan". Dito nag-ugat ang diumano'y Mamasapano "misencounter" na sa pananaw ng karamihan ay Mamasapano "massacre". Ngunit ito naman ang malinaw, "massacre" man ito o "misencounter" ang mga isip natin ay mapupuno at napupuno pa rin ng tanong na "Ba't nagkaganon e 'di ba dapat ceasefire sila"? at isa pa nung bibigyang pugay na ang #SAF44, nung unang araw sana sa pagbibigay pugay sa kanila, nanaig sa puso ng marami ang #NasaanAngPangulo, ang tanong ko lang, nasaan nga ba?
Marapat lamang na ating ipagpasalamat sa Panginoong Diyos na isang araw lumikha siya ng SAF 44 na habambuhay nang mananatili sa puso ng mga Pilipino. Isa sila sa mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ay maaari nang magmarka sa kasaysayan. Dahil minsan pa, may 44 na magigiting na sundalo na nagpatanay na ang lupang hinirang ay duyan talaga ng magiting.
Sa mga kapwa ko Pilipino, mag-isip sana tayo ng mga paraan upang sila ay lalo pang masaluduhan. Sakripisyo nila'y ating ingatan. Maghangad tayo ng kapayapaan.
SAF 44 bayani ka ng ating bayan. Sinimulang adhika ngayon iyo nang napatunayan. Sa paghaba nitong taon, marami pang Pulis at Sundalo ang gagawa sa ginawa mo.
Isa kang huwaran kaibigan. Tularan ka nawa ng mga kapwa ko kabataan. Sana'y sa pagsasakripisyo mo tungo sa katahimikan, makamit namin ang matahimik na kinabukasan.
Sa puso nami'y kahit kailan hindi ka lilisan. Ilang Pangulo man ng Pilipinas ang dumating, hindi ka iiwan, handa lagi na ika'y saluduhan. Sapagkat ginawa mong kabayanihan ay kasing halaga ng kantang kundiman. Na ilang panahon man ang lumipas, hindi 'yon kukupas.
Katapangan na taglay mo sa iyong isip at puso. Walang urungan sa labhan, armas man ay harangan. May armas o wala, lalaban ka kung lalaban ka. Hindi ka nila mapipigilan.
Kabayanihan mo ay aanihin ng pamilya mo at ng naiwan mong ala-ala. Paglaki ng mga anak mo sana'y kanilang lalong malaman na ang Sundalo ay ang trabaho na walang hinihiling na kahit anong kabayaran.
Sana Sundalo, sa paglaki nitong itong anak, maikwento niya sa kanyang anak kung gaano ka katindi at kahusay. Sana 'yung mga naiwan mong mahal sa buihay, ay hindi mawalan ng pusong matibay.
Balang Araw itong isinakripisyo mong buhay ay kanilang magiging gabay para dumaan sa ligtas na tulay. Salamat at buhay mo sa amin ay inalay.
Sundalo, bayani ka ng ating bayan!
MABUHAY ANG MGA SUNDALO!
BINABASA MO ANG
Saludo Ako Sa Mga Sundalo
AksiBago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na...