[Part 20: Sundalo]

51 0 0
                                    

★★★

Maligayang Bati.

★★★ 


★★★

Isa sa mga tagapagtanggol ng lahat ng mga lahi,

Kabayanihan ay ay hindi maitatanggi.

Katahimikang pinakamimithi,

Sagisag ng kagandahan nitong budhi,

Bilang iisang lahi.

★★★  


★★★  

Karangalan sa kayumangging kulay,

Haligi ng ating bahay,

Ilaw kapag kailangan ng karamay.

Mundo ay tutulungang maging matiwasay,

Sariling lakas ay iaalay.

★★★ 


 ★★★

Higit sa uniporme mong luntian,

Puso mo'y punong puno ng kadakilaan.

Maraming Salamat at pinagsilbihan,

Inspirasyon na kinalakihan,

Pagsaludong munti ay pagbubtihan.

★★★ 


★★★

Walong sinag at tatlong bituin,

Araw na makikita sa tanawin,

Bituin na tatanawin,

Kahulugan ng asul, pula, dilaw at puti ay aalamin,

Buhay ng mga bayani ay lalakbayin.

★★★ 


★★★

Sa pambansang awit mong puno ng pagkalinga,

Sa pagwagayway ng ating bandila,

Ako ay kinalinga,

Sa'yo ako ay humahanga,

Sa tanong na kung sino ang bayani, ang sagot ay ikaw nga.

★★★  

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon