Maligayang Bati. Narito ang kwento para sa Mother's Day. Sabay-sabay tayong magbasa.
Sundalo, isa sa pinakamagiting na propesyon na tatahakin ng isang tao. Kailangan dito ang masiglang pagdalo sa training nang hindi nalelate. Isa sa mga propesyong pinaghaharian nating mga lalake at pinagrereynahan ng mga ginagalang nating mga kababaihan. Ang pantay na kagitingang ipinakikita ng ating mga Ma'am Sundalo ay dapat nating kilalanin. Sana sa pagdating ng maraming panahon, maraming mga Ma'am Sundalo pa ang maging sundalo sa ating bansa. Pagpapakita ng parehong kagitingan na ang hangad pa rin ay tunay na kapayapaan. 'Yan ang Ma'am Sundalo.
Ang ating mga Ma'am sundalo ay ating kaagapay sa pagpapanatili ng katahimikan sa ating bansa. Bilang sundalo, tumutulong sila sa mga humanitarian service katulad ng paghahatid ng relief goods sa iba't ibang mga probinsya at pag-aalay ng dugo sa mga blood bank center sa Pilipinas tulad ng Philippine National Red Cross.Kaya ngayong Mother's Day, kahit sa pamamagitan ng isang kwento ay nais ko silang bigyang pugay. Ang Mga Ma'am Sundalo ay ilaw ng tahanan at isa sa mga nagsisilbing ilaw ng ating bayan. Ang mga Ma'am Sundalo ay sabay-sabay nating saluduhan.
Naniniwala akong darating ang araw na ang mga sakripisyo ng ating mga Ma'am Sundalo, kasama ng mga sakripisyo ng ating mga Sir Sundalo ay titingalain sa kasaysayan ng mga darating na mga henerasyon. Naniniwala akong pangangalagaan nila ang katahimikan na pinag-ingatan at inalagaan ng ating mga pwersang pangkapayapaan. Sana ay maraming kabataan pa ang mangarap na panatilihan ang katahimikan at kaayusan sa ating mundo kahit sa pinakasimpleng paraan na makakaya nila. Ang kapayapaan ay para sa nakaraang henerasyon, para sa kasalukuyang henerasyon at para sa mga hinaharap ne henarasyon. Ang kapayapaan ay regalo para sa lahat ng mga henerasyon.
Ang mga kontribusyon na iniambag ng mga Ma'am Sundalo ay lagi sana nating itatanim sa ating puso at isipan. Kalilimutan ang takot na makipagdigmaan sa isang gyera, masigurado lamang ang pagpapanatili nitong pinakaiingat-ingatang bagay na kung tawagin ay kapayapaan. Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos sa pagbibigay niya ng tapang at lakas sa mga Ma'am Sundalo at Sir Sundalo. Ito ay ang lakas na ipagtanggol palagi ang bayan at gawin palagi kung ano ang tama. Ang pagsasanib-pwersa ng ating mga Ma'am Sundalo at mga Sir Sundalo para sa kapayapaan ang isa sa pinakamagiting na samahan sa buong mundo. Sila sana ay pagpalain ng Panginoong Diyos. Maraming Salamat sa kanila.
Ma'am Sundalo, ilaw ng tahanan, laging ipinagtatanggol ang ating bayan. Saludo ako sa kanila. Saludo tayo sa kanila.
Maraming Salamat. Happy Mother's Day. God Bless.
BINABASA MO ANG
Saludo Ako Sa Mga Sundalo
ActionBago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na...