[PART 18: Ang Sundalo: Father's Day Special]

53 0 0
                                    

Maligayang Bati.


[1]

Ang sundalo,

Bida sila sa ilang kwento ng ating mga lolo.

Ipinagmamalaki nating mga Pilipino,

Sa kahit saang dako.

Ako ay Pilipino.


[2]

Ang pagtayo ng tuwid,

Ikaw ay sa mabuting landas itatawid,

Lalakbayin ang himpapawid,

Aani sa masaganang bukid,

Siya ay tatayo ng tuwid,


[3]

Ang pagsaludo nitong Sundalo na parang tubig,

Sagisag ng kanyang pag-ibig,

Ikaw ay kanyang iniibig,

Sa araw man o lamig,

Walang hanggang pag-ibig,

Sa kasamahan sa bayan na napapaligiran ng tubig.


[4]

Tanggapin mo ang buo kong pagsaludo,

Ipagtatanggol sa kahit anong argumento,

Higit pa sa gintong monumento,

Ikaw ay sinasaluduhan ko,

Iuukit sa kasaysayan ang palatandaan ng pagsaludo.


[5]

Mabuhay kasundalo,

Happy Father's Day sayo.

Isa ka sa aking idolo,

Ilang beses man na tanungin ako,

Ikaw nga sundalo.


Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon