BAKIT ISANLIBO LANG?

27 1 0
                                    

Maliyang bati! Muli na naman akong nagbabalik sa pagdidiwara isang araw matapos ang aking kaarawan upang itanong na naman ang isang napakahalagang katanungan.

Bakit isanlibo lang? Seryoso ba kayo mga kaibigan? Isang libong deposito para sa bangko ng karapatang pantao? Mahiya naman sana kayo sa aming mga naghalal sa in'yo. Inihalal namin kayo para mamuno. At hindi para mamulitika.

Ang tawag sa kinalalagyan ninyo ay mababang kapulungan. Bakit naman pati ‘yung depensa ninyo ay bumaba na rin?

Bakit isanlibo lang? Bakit hindi na lang alisin ang CHR commisioner kung palpak talaga siya? Marami namang nasasakupan ang salitang 'human rights'.

Ano ba ang pasarkastikong ibig ninyong sabihin? Pinag-aralan ba naman ninyo muna ang aksyon na ito bago sila dumakdak? Kunsabagay. Karamihan naman sa kanila, napunta lang do'n nang dahil sa walang habas na pagpabango.

Pero wala naman kasi akong pakialam sa mga ‘yon. Uulitin ko. Hoy, congressman. Hindi ka tongressman. Tulog ka nang tulog sa pansitan. Makinig ka rin habang sinesermunan ko sila.

“Your honor. Gentlemen, beautiful ladies from Congress. I came here to question this whole proceedings and ask for contempt for the congress people who voted with nuisance for this trash resolution. Thank you!”. Kung magkakasama lang tayo habang ginaganap ang pagpupulong na ito‘y ganyan ang sasabihin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon