Para sa Ginagalang Kong Kaibigang Sundalo,
Maraming Salamat sa pagtatanggol niyo sa aming bayan. Inyong dedikasyon ay lalong napatunayan. Puyat, pagod at panghihina ay titiisin, masiguro lamang ang kaligtasan ng ating Bayan. Inyong mga pamilya bihira ng makita, sana ay maging lakas niyo sila. Sa pagsabak sa digmaan ikaw ay laging kinakabahan, sino man ang tamaan, kapwa tao mo rin 'yan.
Sana sa pagpapanatili nitong katahimikan, sama sama tayo sa isang laban, isang tahimik na laban para sa katahimikan nitong ating bayan. Higit pa sa pagmamaahal dito sa bayang sinilangan ay ang paniniwala sa Panginoong Diyos. Naniniwala ako na isang araw, tuluyang tatahimik ang ating bayan, walang away, walang gulo.
Kaibigang Sundalo, Maraming Salamat! Sa pagod sa pagiging Sundalo hindi ka sumuko, ngiti ang iyong isinalubong. Hayaan mo naman na kami ay buong-pusong sumaludo. Sumasaludo kami sa lahat ng iyong mga kabayanihan. Lahat ng iyong kapwa ay handang mong tulungan.
Kaibigang Sundalo, sa pagpapatuloy nitong laban, baunin mo ang buo naming suporta. Kaibigang Sundalo, Maraming Salamat!
Gumagalang,
Ang Iyong Kapwa-Tao
BINABASA MO ANG
Saludo Ako Sa Mga Sundalo
ActionBago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na...