(Part 17: Saludo Ako sa Mga Sundalo: Paggunita sa Araw ng Kalayaan)

199 1 0
                                    

Maligayang Bati. Ito ay ang pagtalakay ko tungkol sa Paggunita sa Araw ng Kalayaan. Tara talakayin natin.


Araw ng kalayaan at sundalo, dalawang bagay na magkaugnay. Ang kalayaan na iningatan ng mga sundalo ay napakahalaga upang maging matagumpay tayo sa hinaharap. Sana sa araw na ito ay saluduhan natin sila at palagi natin silang sasaluduhan sa lahat ng mga pagkakataon. Ang mga giyerang pinasukan nila para masiguro ang kapayapaan ay isang gyerang mahirap lutasin pero lulutasin nila ito ng maayos para sa atin. Ang mga ginagalang natin na mga sundalo ay ating maaasahan sa lahat ng mga pagkakataon. Tayong lahat sana ay maging sundalo sa sarili nating magigiting na mga paraan.


Ang kagitingan at katapangan na ipanakikita ng ating mga sundalo ay maari nating gamiting inspirasyon upang pagbutihan natin ang ating pag-aaral. Tayo ay mangarap na maging "sundalo" balang araw. Ang sundalong ipaglalaban ang tama. Lahat ng mararangal na trabaho ay isang "sundalo". Halimbawa,

ang guro ay sundalo ng paaralan. Tayong lahat sana ay sumali sa mga aktibidad na lilinang sa ting kakayanan na maging isang pinuno o isang mabuting simpleng miyembro kagaya ng Boy Scouts of the Philippines at Girl Scouts of the Philippines. Ako ay sumasaludo sa lahat ng BSP at GSP.


Ang pagsali sa BSP at GSP ay isa sa mga paraan upang tayo ay matutong makipagkapwa-tao. Ang pagsali sa aktibidad na ito ay makabuluhan sapagkat ang pananatili niyo sa kampo sa maikling panahon ay magbibigay sa inyo ng mga kaalaman at kamalayan sa mga bagay na dapat niyong matutunan. Ikaw kabataan ay magbigay ng karangalan sa iyong uniporme. Ikaw kabataan ay magbigay ng karangalan sa iyong bansa. Higit sa lahat, ikaw kapwa ko kabataan, magbigay ka ng karangalan sa buong mundo. Sana ay ipagpatuloy mo ang paglahok sa BSP o GSP. Binabati ko ang iyong pagtatagumpay.


Binabati ko at pinasasalamatan ang mga sundalong nagbibigay ng karangalan sa ating bayan. Isa sa nagbigay ng karangalan sa ating bayan ay ang Fallen 44, ang karangalang ipagtanggol sa lahat ng mga pagkakataon kung ano ang tama upang maituwid ang sistema. Nangangarap ako ng ang mga pamilya ng mga Sundalo, mga BSP at mga GSP ay humahanga sa husay at galing na ipinakita ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang pagtatanggol sa tama ay magdudulot sa atin ng mga mabubuting bagay, habangbuhay. Tayo ay magkaisa patungo sa ating minimithing katahimikan at kaayusan. Panatilihin natin ito ng sama-sama. Lahat sana tayo ay pagpalain ng Panginoong Diyos.


May mga bagay na mangyayari sa buhay natin upang maipakita sa atin at mapatunayan ang salitang "kabutihan".


Mabuhay ang mga sundalo!. Maraming Salamat. God Bless.

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon