(Part 16 Book 1:Ang Kahalagahan ng Sundalo: Easter Sunday Special)

1.6K 0 0
                                    

Naligayang Bati. Sabay-sabay nating basahin ang aking kwento.


Ang kahalagahan ng Sundalo ay mapapatunayan at napatunayan sa ating lipunan. Tuwing may kalamanidad halimbawa ay maaring gamitin ang sasakyan ng Mga Sundalo upang maghatid ng relief goods.May Mga Sundalo rin na aktibo sa pagdodonate ng kanilang dugo sa iba't ibang blood bank facilities sa Pilipinas. Sa mga gawaing ito napapatunayan at napatunayan na ang Sundalo ay maraming mga mahahalaga at makabuluhang gawain. Ang ganitong mga gawain ay maging inspirasyon sana upang gumawa tayo ng mga kabutihan sa ating kapwa. Pahat tayo ay maaring maging Sundalo sa sarili nating mga paraan. Sana ay magbukas tayo ng palad upong tumulong sa iba ng walang paqgtutol sa ating puso't isipan at walang hangarin na sila ay lamangan.


Ang iba't ibang training nila ay kanilang magagamit upang maging kasangkapan sila sa pagtulong sa ating mga kapwa. Sila sana ay magkaroon ng sapat na oras at pagkakataon para naman makasama nila ang kanilang pamilya, para naman maramdaman ng kanilang Mga Anak ang yakap na ipinararamdam nila sa kanilang bayan na sinilangan. Sana ang kanilang mga pamilya, maging sila, ay biyaan ng Panginoong Diyos ng isang magandang kinabukasan. Ang bawat gyerang kanilang binibigyan ng solusyon ay matapos sana. Sana dumating ang araw na wala ng gyera sa buong Mundo. Naniniwala ako na maaari pa ring magkaroon ng Sundalo kahit walang gyera.


Ang aral na itinuturo sa pamamagitan ng Sundalo ay isang napakamakabuluhang aral. Ipinapahayag ng aral na ito na matuto tayong umintindi ng iba gaya ng pagintindi natin sa ating sarili. Dapat ang bawat tao ay kapit-kamay sa pagintindi sa mga kahinaan at kalakasan ng isa't isa. Tandaan natin lagi na ang isang tao ay kailangan ng mga taong tutulong sa kanya upang maging progresibo ang kanyang buhay kagaya rin ng Sundalo na kailangan ng tulong ng mga kasamahan niya upang maging matibay sa laban. Walang araw na hindi kinakabahan ang sundalo. Napakahirap maging Sundalo.


Sana sa iyong paglaki ay madala mo ang mga magagandang aral na ipinapahayag ng mga Sundalo. Amg mga Sundalo, kanilang Pamilya at ang kanilang bansang ipinaglalaban ay pagpalain sana ng Panginoon. Lahat sana ng tao ay mamuhay ng tahimik at payapa. Isang pamumuhay na pinangarap nating lahat. Sana ay balang araw turuan mo ang mga magiging Anak mo ng mga aral na kanyang gagamitin sa kanyang paglaki kagaya ng isang Sundalo. Isang Sundalong ang hangad ay katahimikan. Ang katahimikan na magiging gabay sa mga sangkatauhan dito sa ating Mundo.


Tayo sana ay laging magpapasalamat sa Panginoon dahil lumikha siya ng isang Sundalo.


Maraming Salamat. God Bles..

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon