Sa bawat pagbabalik natin sa ating paaralan ay isinasagawqa natin an mga prinsipyong isinasagawa ng isang tunay na sundalo. Ang isa sa mga magpapasimula sa pagbabalik nito ay tayong lahat. Tayo lang ang maaaring magtulong-tulong para maisangkatuparan nang maayos ang mga ito.
Ang pagbabalik ng bawat mag-aaral sa kanyang paaralan ay isang pagbabalik na minimithi ng lahat. Kahalintulad ito ng isang sundalong muling nagbabalik sa kanyang kampo. Marapat na ipagbunyi niya ang mahalagang araw na ito.
Maaari tayong magdonate ng mga kagamitang kanilang kakailanganin para patuloy na tumakbo nang maayos ang ating paaralang sinilangan. Ang ating pagtulong sa paaralang ating sinilangan. Ang pagdodonate ng bangkuan at lamesa ay maaari nating gawin. Kahit yung ibang lumang mga gamit naman ay maaari nating ipagkaloob sa ating minamahal na paaralan kung maayos pa ang kundisyon ng mga ito.
Sa pagbabalik natin sa ating paaralan, may mga bagong kapaligiran na sasalubong sa atin, pero nandoon pa rin ang tamis ng nakaraang ala-ala. Hindi 'yon mawawala sa ating puso't isipan kailanman. Kaya nga't sana'y maging masaya tayo habang hindi pa tayo nagbabalik dahil tayo naman ay mas lalong liligaya kapag tayo ay nakabalik na dito.
Dito sa ating paaralan tayo maaaring bumoboto tuwing botohan. Dito tayo boboto habambuhay. Ang ating paaralan ngang tunay ang pangalawa nating tahanan. Ang tahanan na naging gisingan ng ating mga pangarap at naging tulugan ng ating diwang dito rin muling magigising. Sa paggising nito ay makakalasap tayo ng isang bagong umaga. Isang bagong umagang kasama natin ang ating mga guro at mga kamag-aral.
Ang pagbabalik natin sa ating paaralang silangan ay ang pagbabalik ng ating mas malakas na diwa. Isang diwang mas handang tumulong sa kanyang kapwa. Ito ang pagiging puno ng punlang itinanim natin sa tulong nila. Ito ang punla na patuloy na namamayani sa ating puso'r isipan. Tunay nga talagang napakasarap magbalik sa ating paaralang sinilangan. Maaari natin kasi itong gawin kahit kailan. 'Walang bilang ng yaman sa mundo ang kasinghalaga ng ating katalinuhan. Dito 'yon mas nahasa. Dito sa isang lugar na ating sinilangan. Dito sa lugar na nananatili nating isang mahalagang kamlungan.
Pangarap. Isang napakalaking pangarap. 'Yan ang tinupad ng ating paaralang sinilangan para sa atin. Marapat lamang na ipamayani din natin ito sa iba pang mga indibidwal na makakasalamuha natin. Kung natupad ang pangarap ko ay matututo din akong tumupad ng mga magagandang pangarap ng mga indibidwal na makakasalamuha ko sa kahabaan ng takbo ng aking mahalagang buhay.
May katwiran kaya tumitibok ang ating puso. May katwiran kaya dinadaluyan ng oxygen ang ating utak. Ang pagbabalik sa paaralan sa tulong ng mga sundalong sumasali sa brigada eskwela ay isang mahalagang tagpo na kung saan ang isang sundalo ay literal nating nagiging tagapagtanggol. Ipinagtatanggol nila ang ating karapatan. Ang ating karapatang mas lalo pang magpapatingkad sa ating kalayaan.
Malaya tayong sila'y pasalamatan habang tayo ay nabubuhay. Malaya tayong sila'y pasalamatan hanggang sa kabilang buhay. Ang bawat lakas na kanilang iaalay ay gawin nating isang matibay na pundasyon upang tayo ay manatili at mas maging mahusay sa ating buhay.
BINABASA MO ANG
Saludo Ako Sa Mga Sundalo
ActionBago mo simulang basahin ang aking ikekwento, hayaan mo muna akong magpakilala. Ako si John Vincent P. Agbunag. Nagsimula akong magsulat sa wattpad noong ika-7 ng Pebrero, 2015. Na inspired ako kasi may tatlo akong Advocacy page noong mga panahon na...