(Part 21 Book 1: Sundalo sa Puso at Isipan)

105 1 0
                                    

Malihayang Bati. Tara, sabay-sabay nating basahin angaking kwento ngayong araw.


Ang mga kaibigan nating sundalo ay handang sumaklolo sa lahat ng pagkakataon. Kapag bumabagyo, sila ay handang magbigay ng mga relief goods sa mga tao. Tayo sanang lahat ay magkaroon ng magandang pagkakataon upang tumulong sa ating kapwa sa sarili nating paraan upang tayong lahat ay maging sundalo sa puso at isipan. Tulad ng isang sundalo, tayo sana ay tumindig ng tuwid sa mga bagay na tama at palaging isipin ang ating kapwa.


Ang mga sundalo ay atin sanang bigyang bugay sa ating paraan. Mga sundalong nalalayo sa kanilang pamalya, maipaglaban lamang ang kanilang bayan at ang mga taong naininirahan dito. Sundalo, ang isa sa mga tagapangalaga ng katahimikan. Sana ang katahimikang ipinaglaban nila sa loob ng mahabang panahon ay lagi nating iingatan sa ating puso't isipan. Ang katahimikan ang isa sa mga makakatulong sa atin upang magawa natin ng maayos ang mga magagandang bagay na ninanais ng ating puso't isipan.


Mga kaibigan, ang mga hirap at sakripisyo ng mga sundalo ay lagi mo sanang ikekwento sa mga taong nakapaligid sa'yo. Ang mga sundalo ay magsilbi sanang inspirasyon sa ating lahat upang tumulong tayo hanggang sa ating makakaya. Walang maliit o malaking bagay sa pagtulong. Sa pagdating ng mga sumusunod na panahon, ang mga gawaing ating gagawin na tama at magiging huwaran sa iba ay magdadala ng kabutihan at inspirasyon sa puso't isipan nila. Ang mga sundalo sana ay magkaroon ng dagdag na lakas para sila ay makapagdala pa lalo ng mas maraming inspirasyon.


Ang mga kaibigan nating sundalo ay tunay nga talagang sundalo sa kanilang puso at isipan. Sila ang mga sundalong ipaglalaban ang katahimikan para sa atin. Sila ang sundalong tutulong sa kanilang kapwa. Sana ay ang mga aral na matututunan natin sa mga susunod na mga araw ay makatulong lalo upang makapaglagay ng mga maraming makabuluhan na ala-ala sa ating puso at isipan. Ang mga sundalo at tayong lahat sana ay pagpalain ng panginoong diyos. Mabuhay tayong lahat. Mabuhay ang mga sundalo.


Kaibigang sundalo, ikaw talaga ay sundalo sa iyong puso't isipan.


Maraming Salamat. God Bless.

Saludo Ako Sa Mga SundaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon