EPILOGUE

272 17 8
                                    

Epilogue:

Kasama ako nina Dad at Mom ngayon sa loob ng kotse habang binabagtas namin ang kahabaan ng kalye. Matapos ang halos isang oras na byahe, iniliko ni Dad ang kotse hanggang sa makita na namin iyong gate ng sadya namin.

"Dad, dito na lang po ako." Saad ko kay Daddy at agad naman nitong ipinark ang kotse sa gilid. "Don't wait for me. Kasama ko naman sina Cheska at Eyra." Tumango si Dad sa sinabi ko.

Matapos ko siyang halikan sa kanyang pisngi maging si Mom ay saka ako nagpaalam at lumabas na ng kotse. Eksakto namang pagbaba ko ay nakita ko ang magpinsang sina Cheska at Eyra na kalalabas lang din sa kotse nila.

"Millizen!" I went near them as they called my name, waving their hands at me. I greeted them as soon as I came closer to them.

"Let's go." Tawag ko sa mga ito. Nagpatiuna ako sa paglalakad at ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin.

Dire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa loob ng I Care For Youth Center (ICFYC), isang youth care facility kung saan naka-admit ang kambal na sina Vida at Veyda. That youth care facility was supervised by a multi-disciplinary team including the doctors, psychologists and social workers, and others.

Having the permission to visit them, lumiko kami sa kaliwang hallway habang sinusundan namin iyong isang practitioner. Visiting youth in this center may only have three visitors at a time kaya kaming tatlo lang ng magpinsan ang pinayagang pumasok.

"Hey," masayang bati ng kambal nang makita nila kami. Nang makaupo kami sa isang round wooden table ay iniwan na kami nung practitioner.

"Kumusta kayo rito?" Masayang tanong ni Eyra sa dalawa.

"Okay lang. It's better to be imprisoned in this place." Veyda answered and she smiled, but behind those words she said, alam namin kung anong tinutukoy nito, na mas okay ang manatili sila rito kaysa sa akademyang naging impyerno ng mga inosenteng tao.

Halos magtatatlong linggo na simula noong makalabas kami sa Primoon Academy. I still remember everything that happened since the very beginning I stepped my feet on that academy but on that day, while I was hugging Damon, right after Veyda stated that everything will get back into normal, masaya ako dahil nagsidatingan ang mga awtoridad noong araw na iyon. There were also ambulances which immediately rescued all the wounded students.

Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kapulisan ang tungkol doon dahil isa iyong secret institution pero masaya ako dahil dumating sila noong araw na 'yon. I felt like they came at the right time to rescue us all.

When some policemen came near us, Vida and Veyda smiled at us.

"Sorry kung kinailangan pa namin kayong idamay but as we promised, everything will get back into normal now." My eyes bulged wide when the policemen went near them pero hindi sila pinosasan ng mga ito kundi iyong kambal mismo ang sumunod sa kana habang may nakapaskil na ngiti sa kanilang mga labi.

Dahil sa pangyayaring iyon, pakiramdam ko'y ang araw na iyon ang pinakamabagal na nangyari sa buong buhay ko. Marami ring mga tagapagbalita ang dumating noon hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng van at niyakap ako ng sobrang higpit ng mga magulang ko.

After that hug, dumating naman sina Cheska at Eyra at agad din nila akong niyakap. They kept asking me if I am okay that time at tanging tango lamang ang naisagot ko pero ang totoo, parang wala ako sa sarili ko noong mga oras na iyon.

There were also some reporters who tried to get some information from us but other policemen guarded us. Gano'n din ang ginawa nila sa mga estudyanteng narescue galing sa Primoon Hall.

The Curse of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon