Chapter 10
Mas lalong humigpit ang kapit ko sa barandilya at napalunok na lamang. Maya-maya pa ay may dumating na mga kalalakihang natatakpan ang buo nilang katawan ng itim na damit at nakamaskara pa ang mga ito. Sila rin 'yung grupo ng mga kalalakihang palaging nagbubuhat ng mga taong wala ng buhay.
Binuhat nila ang katawan nung lalaki at dinala sa kung saan. Halos magsiksikan pa ang mga estudyante para lang makiusosyo. Doon ko lang din napansing nasa baba na si Damon at tila siya ang nag-aasikaso sa kung anong nangyayari.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ano pa bang bago? Di hamak naman na gabi-gabi ay may patayan dito pero sa ganitong oras? Alam kong ang nakatalaga lang na oras ng patayan ay tuwing Murderous Night na nagaganap mula 9 ng gabi hanggang 12 ng madaling araw pero bakit ngayon? Ngayon pang maliwanag? Wala na ba talagang pinipiling oras ang patayan dito?
"Ahhhhh!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. Napalingon ako rito at kusang umikot ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.
"Kung gusto mo akong isunod doon sa lalaking namatay kanina, patayin mo ako diretso hindi 'yung papatayin mo ako sa panggugulat mo." I shouted at him.
Tinampal ko ang kamay niyang nasa balikat ko saka ko siya nilampasan. Kanina lamang ay nasa tabi ko siya. Ni hindi ko pa nga napansin ang pagbaba niya.
Ganoon ba siya kabilis kumilos na nandito kaagad siya? Isa pa, ayoko pa namang ginugulat ako lalo na't ganoon 'yung mga pangyayaring nasaksihan ko.
Nakarating ako ng room eksaktong patapos na ang klase namin.
"Sorry Ma'am kung natagalan po ako. Hinanap ko pa po kasi 'yung office." Saad ko kay Ma'am Marie. Okay, what a liar Millizen. Tss.
"It's okay. Anyway, I'll just give you the copy next meeting since it's already dismissal. Have a great day everyone!" Pagkatapos niyang i-anunsyo iyon ay lumabas na siya. We just bid our goodbyes to Ma'am Marie before she left.
"What happened?" Salubong sa akin ng mga kaibigan ko. Binitbit na rin nila 'yung bag ko at hinila ako sa kung saan.
They really know me when something's off. It's as if they can read me. I inhaled a large amount of air before telling them what I just saw.
"Someone just died. I don't know what happened. Nakita ko lang kanina noong pabalik na sana ako sa room." Panimula ko at ikinuwento na rin sa kanila 'yung ibang mga detalye sa kung anong nangyari kanina. I even told Vida na nasira ko 'yung phone niya.
"Damn. We are not safe in this place anymore." Cheska stated.
"Since when did we have safety in this place anyway?" I asked back.
Unang tapak pa lang namin dito, alam kong panganib na ang naghihintay sa amin. Ano pa kaya ngayong tumatagal kami rito?
"There's no room for safety here, only survival does." I added and heard them heave a deep sigh.
Sa mga ibang araw pang darating, hindi ko alam kung ano pang ibang pwedeng mangyari. Baka nga may mas ilalala pa ang mga ito kumpara sa kung ano pang pwedeng mangyari e.
Hindi ko alam kung paano kami makakalabas sa lugar na ito. Ang kailangan lang naming gawin ay ang maging matatag, huwag matakot at lumaban kung kinakailangan.
"Haaaay! If ever na wala ako sa lugar na 'to, for sure nasa mall pa rin ako ngayon, bumibili ng kung anu-ano." Sambit ni Eyra. Nakahiga kaming lima ngayon sa sahig.

BINABASA MO ANG
The Curse of 11:11
Mystery / ThrillerCOMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior high school lives. But what if the academy will really embark on a new yet different journey? A jour...