CHAPTER 7

166 12 4
                                    

Chapter 7

Bawat hakbang na ginagawa namin ay siya namang pares ng mga matang sumusunod sa amin. Lahat ng mga taong nadadaanan namin ay pinupukulan kami ng hindi ko maipaliwanag kung anong klase ng tingin.

"Hindi pa naman siguro nila tayo papatayin 'di ba?" Tanong ni Eyra kasabay ng pag-angkla nito sa braso ko na kulang na lang ay magtago sa katawan ko.

Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong isagot sa tanong niyang iyon.

"Primoon Academy's well-known mortem et salvos is effective as of today. But before it thrills the hell out of you, let me call our Academy's Student Body Organization to state what are the rules to be obeyed inside this institution." Kasabay ng malakas na palakpakan matapos ang anunsyo ni Ate Fritzy sa harap ay ang pag-akyat ng sampung estudyante sa entablado na hinaluan ng matitinis na tili.

"Shocks! Mas gumagwapo talaga siya kapag seryoso."

"Kaya nga e. Pero mas crush ko pa rin talaga si Yves."

Hindi ko na halos maintindihan ang isinisigaw ng iba. May kanya-kanya kasi silang sinisigaw na pangalan at kung anu-ano pa. Kulang na lang ay takpan ko ang tenga ko. Noong medyo humupa na ang tilian, doon ko lang napansing kasama pala si Caitlyn doon sa sampung estudyante na umakyat sa taas.

"We have our Governor here, Damon Evangeles." Ate Fritzy announced.

A poker face guy wearing a black v-neck shirt raised his right hand making the crowd shrieked pero mukhang wala namang pakialam ito.

Pinaningkitan ko na lamang ito ng mata nang mapansin kong nakatingin ito sa akin or kung assuming lang ba ako. Damon Evangeles? Sounds demon, huh?

"Vice Governor, Yves Perez." Unlike that demon, uh, I mean Damon, this Yves guy stood up, waved his hand na akala mo ay isang kandidata. He even winked at the crowd. Tsk.

"Secretary, Bettina Spade." A girl stood up and smiled. Bahagya akong napatitig sa mukha nito, remembering if I have seen her before.

Oh! She was the girl who threw me dagger yesterday. I didn't know she's one of the officers here.

"Treasurer, Caitlyn Balbin." Caitlyn stood up and like what she always does, nakangisi lamang ito.

Hindi ko na narinig pa ang pangalan ng ibang officers down to the lowest position dahil sa ingay ng mga estudyante. Natahimik lamang ang lahat noong tumayo ang Governor at pumunta ito sa rostrum.

"Good morning Primoonsters." Holding the microphone, he greeted everyone.

Gusto ko pang matawa sa sinabi niya. Primoonsters? Iyon ba ang tawag sa mga estudyante rito? Why not primonsters tutal mukhang gano'n naman ang mga estudyante rito?

"It's been a month since we had vacation and now we are back in this academy again. For your information and guidance, Primoon Academy is not an ordinary school. It is an academy that has its own rules to follow and once you disobey it," bahagya itong natigil sa pagsasalita na para bang iniisa-isa niyang tignan ang lahat, at sa ikalawang pagkakataon, napunta ulit ang tingin nito sa direksyon ko.

The Curse of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon