Chapter 20
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Maya-maya pa ay pumunta ako sa may higaan ko. Umupo ako roon sa may dulo at isinandal ang ulo ko sa gilid habang nakatingin sa kawalan. Muli ay bumuntong hininga ako.
"Are you okay?" Tanong ni Eyra nang mapansin ako nito saka ito bumangon at tumabi sa akin.
Dahil nasa taas ng double deck ang puwesto ng kambal ay sumilip ang mga ito sa amin. Si Cheska naman ay nakaupo lang sa harap ng maliit na center table since may ganoon dito sa loob ng dorm namin at doon kami madalas tumambay.
"Remember that old woman?" I asked them after minutes of silence and they all nodded at me. "I saw and followed her, but just like the first time we saw her, nawala na lang ito bigla." Dagdag ko and they all answered me with a deep sigh.
"I'm just curious." Panimula ko. Ramdam ko namang lahat sila ay nakatutok lamang sa akin, inaabangan kung anong aking sasabihin.
"Bakit sa lahat ng tao rito, tayo lang ang sinabihan nung matanda tungkol sa pangyayaring ito?" Dugtong ko.
Wala akong nakuhang sagot sa kanila and if I'm not mistaken, maybe they're asking that question to themselves too. Like of all people, bakit kami lang ang sinabihan?
Kakauwi ko lang actually sa dorm and what Damon asked me earlier really got me curious. That's why I'm asking my friends too. Nagbabakasakaling baka may makuha silang dahilan kung bakit sa amin lang sinabi ang tungkol doon kasi sa totoo lang, this incident doesn't make sense at all. Bakit sa amin lang pinaalam? Bakit sa iba, hindi?
Bumaba ang kambal na sina Vida at Veyda saka naupo ang mga ito sa tabi ni Cheska. Ngayon ay nakaharap na kaming dalawa ni Eyra sa kanila.
"That made me curious too." Veyda said. "Maybe because we know nothing from this school kaya tayo lang ang pinagsabihan?" Patanong nitong sagot, hindi sigurado.
Again, all of us took a deep breath. Then silence invaded us.
"But why 11:11?" I whispered to myself.
I shook my head and when I looked in front, I met Veyda's eyes. She gave me a small smile at ganoon na lamang din ang ginawa ko.
Weeks passed. Kinabukasan ay pumasok kami sa school nang medyo late na. Good thing we came minutes before our teacher arrived. She gave us some seat work and we were able to finish it before time.
Our seat work was consist of only fifteen items pero halos maubos namin ang isang oras. Paano kasi ay magpapa-seat work iyong guro namin hindi naman siya masyadong nagtuturo. Tss.
"Kainis naman si Ma'am. Kapag ako nabagsak, nako!" Eyra complained as we got out of our room. Gano'n din ang tatlo habang ako ay nanahimik na lamang though I'm still pissed.
Mabait naman 'yong guro namin sa Math. Magaling din naman siyang magturo. It's just that he introduced the new topic from us and just after giving us some examples, bigla itong nagpa-seat work at iyong seat work na ibinigay niya ay hindi katulad nung mga pinahalimbawa niya.
Sana nga lang ay pasado kaming lima.
"Oh, what's with the commotion there?"
Napukaw ang atensyon namin nang lumingon kami roon sa tinitignan ni Veyda. Nagkumpulan kasi ang mga estudyante sa may harapan ng office.
Noong balak pumunta nung kambal doon, I immediately stopped them. They looked at me and I shook my head while looking at that direction.
Minutes after, napansin naming nagsialisan ang mga estudyante roon at may mga panibago namang paparating. Iyong mga estudyante ay normal lang naman ang mga galaw nila habang papalayo sila sa lugar na iyon and I guess wala namang kakaibang nangyayari.
BINABASA MO ANG
The Curse of 11:11
Misterio / SuspensoCOMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior high school lives. But what if the academy will really embark on a new yet different journey? A jour...