Chapter 17
For almost a week, nakakulong lamang kaming magkakaibigan dito sa kwarto. I don't know if some students did the same thing. Few days ago, the higher ups informed us to stay still inside our respective rooms. They even informed us about 11:11 thing.
Ipinagpapasalamat ko na lang dahil pinakinggan ni Black Mistress ang sinabi ko sa kanya. At least now, we are all aware about the curse of 11:11.
About Veyda, she's getting better now. Iyong sugat niya'y pagaling na rin naman.
"Nakakainis ka naman! Akin na nga 'yan!"
Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang kambal na nagtatalo gamit ang kanya-kanya nilang unan. I'm just glad to see them like this, iyong tipong walang nangyari sa kanila lalo na kay Veyda kamakailan lang.
For the past days that we've been staying inside our room, nakikita ko ang dating sigla mayroon ang mga kaibigan ko.
"Good morning." Sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas iyong pintuan.
Hindi na ako nagulat na sila iyong makikita ko. Nagtataka lang ako kung bakit ngayon lang silang bumalik dito. Sa mga araw kasing lumipas ay hindi sila umuuwi rito. Ang huling kita ko sa kanila ay noong magsagutan kami ni Caitlyn.
"I'm sorry for everything, okay? I was just so stress lately." Caitlyn said as she sat on the edge of her bed. "How's your wound Veyda?" Saka ito bumaling kay Veyda.
Veyda answered her that she's getting well. She even showed her wound to Caitlyn.
Habang nag-uusap ang mga ito'y hindi ko maiwasang pagmasdan si Caitlyn. Sometimes I'm wondering if she's just pretending to be a good person in front of us or what. May araw na mabait siya. May araw na hindi ko maintindihan ang ugali niya. Ang gulo niya. Kasinggulo niya ang mga pangyayari sa lugar na ito. Tss.
Caitlyn, Erica, Visel, Lileth and Kristel took their early lunch here with us. Pagkatapos nilang kumain, umalis na naman sila at kung saan sila nagpunta, iyon ang hindi ko alam.
Just to busied ourselves, iyong mga dala-dala naming libro ang napagdiskitahan namin para lang maubos ang oras namin since we don't have cellphones anymore.
Hindi ko sinisisi si Vida sa ginawa niya. But I guess what she did is better. Ang hirap kasing makipagpalitan ng mensahe sa mga mahal namin sa buhay, telling them that we were okay where in fact we are not.
Ang akala siguro nila ay okay lang kami rito. Maybe our parents thought that we're in good hands dahil ang alam nila ay elite itong school. Ano kayang mararamdaman nila kapag nalaman nilang araw-araw ay nakikipagsapalaran kami para sa buhay namin? Na pumapatay kami para lang mabuhay kami?
Parang automatic na naging alerto kami nang tumunog ang alarm clock sa may dulo ng hinihigaan namin. Napagdesisyonan kasi naming mag-alarm tuwing 11:00 para makapaghanda kami at para maging alerto kami kung sakali mang biglang magsilabasan ang mga killers.
We really need to be alert. These killers have their eyes and ears on us. Alam nila kung saang lugar sila susugod at kung kailan. Alam din nila ang mga ginagawa namin dahil noong ipinagtuos na huwag muna kaming lalabas sa kanya-kanya naming kwarto, ni hindi rin sila nagparamdam sa amin.
Nang maramdaman naming wala namang kakaibang nangyari, ini-off na iyon ni Cheska since siya iyong medyo malapit sa alarm clock. Ang marinig kasi ang tunog non ay nagbibigay ng kung anong kilabot sa amin lalo pa at alam namin kung ano ang nangyayari kapag pumapatak sa ganoon ang oras.
"I used to love that time. It's just so sad that it became a curse here." Malungkot na saad ni Veyda saka siya malalim na bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Curse of 11:11
Mistério / SuspenseCOMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior high school lives. But what if the academy will really embark on a new yet different journey? A jour...