Chapter 14
"Goodnight!" Eyra stated with a hint of happiness in her voice.
Saka ito nagtalukbong ng kumot. She even hugged me since magkatabi kaming dalawa sa tuwing natutulog kami.
I heave a deep sigh. But unlike the previous days, today is different. Ang paraan ng pagbuntong hininga ko ngayon ay tila may kung anong nawala na mabigat sa dibdib ko sa isipang ligtas kami ngayong gabi. And at this very moment, I can guarantee our safety because Murderous Night was cancelled.
Since the day we came here, maliban sa unang linggo namin na normal pa ang lahat, masasabi kong ngayon na lang yata ulit kami makakatulog ng maayos at ganito kaaga. Hays. Sana ganito na lang palagi.
I woke up early the next morning. Hindi ko rin alam kung bakit ang aga kong nagising ngayon o dahil siguro sa masarap lang talaga ang pagkakatulog ko kagabi.
Done preparing ourselves, sabay-sabay kaming lahat na lumabas ng dorm papasok ng school. And this was the very first time na nangyari iyon, na sama-sama kaming sampung magkaka-dorm mates. Caitlyn's group even bade their good byes from us dahil nasa kabilang side ang room nila. I just smiled.
Our classes went off smoothly. Kung wala nga lang siguro kami sa school na 'to, iisipin kong nasa normal na lugar lang kami na ang tanging ginagawa lang namin ay mag-aral and do things like we usually do before.
Noong break time namin, doon kami sa food court kumain. And to tell you what I noticed, iba ang awrahan ng mga estudyante ngayon. They seem comfortable to look at. Them seem at peace. Kabi-kabilaan din ay mayroong mga nag-uusap.
"Order pa tayo?" Veyda asked. Tumango naman kami.
We're having spaghetti and pizza as our snacks at kanya-kanya rin kami ng fruit drinks. Nag-usap-usap lang kami about random stuffs until our 30-minute break was finished.
Pagkabalik sa room, our classes resumed on time. Our teacher discussed our lessons. We did activities, had some group works and some class recitation. We even went to the science lab dahil may experiment kaming ginawa roon.
Noong lunch break na namin, doon kami sa may office ng Principal dumaan. Galing kasi kaming science lab which is medyo nasa dulong bahagi and we decided to make some short cut dito sa office pabalik ng food court kaysa iikot pa kami. It will just consume our time.
Nang may nakita akong trash can sa right side dito sa may lobby area ng office, saglit akong pumunta roon para itapon iyong scratch papers na ginamit ko sa pagsagot ng activity namin kanina.
Naiwan naman ang mga kaibigan ko roon sa may lobby and I guess, kasalukuyan silang nagbabasa ngayon ng mga announcement na nakalagay roon sa mga bulletin boards o di kaya ay nakaupo lamang.
Like my excuse, itinapon ko lang saglit iyong mga scratch papers ko, maging iyong iilang wrappers at kalat ng junk foods na kinain ko.
Upon throwing those, pabalik na sana ako sa may lobby nang bumukas iyong isang office malapit sa kinapupuwestuhan ko at doon ay lumabas ang mga taong hindi ko inaasahang makikita ko, o sabihin na nating mga taong ayaw kong makita.
"You seem grateful now that the Murderous Night was cancelled." She said and I can tell na may bahid ng inis sa tono nito.
"No. I will only be grateful once the killings will stop for real." I honestly replied to her, meeting that intimidating eyes of hers.
"I don't know where you are getting the guts to talk back at me." She said na para bang manghang-mangha siya sa akin. Tila inaalisa pa nito ang kabuuan ko.

BINABASA MO ANG
The Curse of 11:11
Mystery / ThrillerCOMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior high school lives. But what if the academy will really embark on a new yet different journey? A jour...