CHAPTER 18

134 10 0
                                        

Chapter 18

Habang nakatambay kaming magkakaibigan dito sa ilalim ng isang puno, hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat estudyanteng nadadaan.

Thinking about who really is the killer makes me insane. What makes me more insane is the thought that maybe the killers are one of the Primoon Academy students and they're just acting like an innocent one. At iyon ang nakakabahala.

Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari iyon sa amin ni Black Mistress, iyong may pumasok sa office niya pero pakiramdam ko ay kanina lamang iyon nangyari. Hanggang ngayon ay napupuno pa rin ng katanungan ang isip ko. Why are they trying to kill her?

Napailing ako. Lahat pala ay pinapatay nila dito. Maybe they're trying to take down the higher ups first para mas mapadali ang pag-ubos nila sa aming lahat, para walang maging sagabal sa kanila na ubusin kami. Tss.

While resting under the tree, my friends asked me to have some walk around this academy. Aaminin kong kahit maliwanag dito, walang kasiguraduhan ang kaligtasan namin sa lugar na ito pero pumayag ako sa kagustuhang iyon ng mga kaibigan ko.

Noong una kong makita sa larawan ang paaralang ito, noong mabasa ko ang ilang komento mayroon dito at kung hindi lang taliwas sa mga nabasa ko ang katotohanan mayroon ang paaralang ito, baka ay titingalain ko pa ito.

But this academy is good at fooling people. And I hate the fact that we were one of those people who were fooled.

"Ate Fritzy!" Napahinto kami sa paglalakad when Eyra called her name. Napalingon kami sa kanya maging sa taong kanina lamang ay tinawag niya.

But instead of looking back at us, Ate Fritzy continued walking as if she heard nothing. Pero hindi ko alam kung bakit sinundan pa ito ni Eyra. She even took Ate Fritzy's hand pero agad nitong binawi ang kanyang kamay kay Eyra.

"I told you, don't talk to me anymore! Ano bang hindi niyo maintindihan doon?" Bahagyang napaatras si Eyra dahil sa tinuran nito.

Habang tumatagal, lalong nag-iiba ang pakikitungo ni Ate Fritzy sa amin. Kung dahil lang ito sa pagtatalo namin noon, bakit kailangan pa niyang idamay ang mga kaibigan ko?

If she hated me that much, then sana ako lang. Huwag naman sana niyang idamay ang mga kaibigan ko dahil wala naman silang kasalanan sa kanya.

"Ate, wala naman kaming ginawa sa'yo. Why did you became so cold with us?" Singit ni Veyda sa usapan ng dalawa, na para bang naghahanap ito ng kasagutan kung bakit bigla-biglang naging ganito ang turing niya sa amin.

"Hindi niyo ba maintindihan? Simula noong dumating kayo, nagkagulo na ang lahat! Lumalayo ako sa inyo dahil ayaw kong mapahamak!" Sagot nito sa paraang pasigaw, na para bang isinisisi niya sa amin ang lahat.

"Hindi namin kasalanan kung bakit nangyayari ang mga ito, Ate." Cheska also butted in. I even saw how she curled her fist.

"Pero kasalanan niyo kung bakit pa kayo dumating dito." Ate Fritzy resumed.

Like what Cheska did, unti-unti ring kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nito. How can she blame everything from us?

Sa tingin ba niya'y ginusto naming mapadpad kami rito? Sa tingin ba niya'y ginusto namin ang mga nangyayari dito? Then she's wrong. Dahil kung may pagkakataon lang sana kaming umalis sa lugar na ito, matagal na sana naming ginawa.

"Please, layuan niyo na ako. Sa paraang iyon, mas magiging ligtas ako." She emphasized. "Layuan niyo ako. Sa paraang iyon, mas magiging ligtas kayo." Matigas nitong saad.

The Curse of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon