CHAPTER 11

159 15 0
                                        

Chapter 11

Hindi ako pwedeng magkamali. Such things don't happen coincidentally. Twice can be considered pero ang maulit ulit iyon ay sadyang nakakapanghinala na. Pangatlong beses na itong nangyayari and something is really off.

Una ay noong gabi ng Students' Night na kung saan ay isang bangkay ang hinulog mismo sa gitna ng entablado. Pangalawa ay kaninang umaga lang noong pabalik na ako sa room galing ng office ni Ma'am Marie. Pangatlo naman ay 'yung ngayon.

Same occurrences, same time. Hindi pwedeng nagkataon lang ang mga ito dahil panigurado akong baka may nagpaplano sa mga pangyayaring ito.

"What? That's impossible Millizen." Tanggi ng mga kaibigan ko matapos kong sabihin iyon. Tinignan ko sila ng diretso.

"With this place where we are right now, nothing is impossible here." Sagot ko sa kanila. Umiling pa ako bago ako humiga at ipinikit ang aking mga mata.

Hindi ko masasabi kung normal lang ba 'tong mga nangyayari o ano pero isa lang ang dapat naming gawin, ang magdoble ingat. We can't lose our live here. Pumasok kaming buhay rito, titiyakin kong makakalabas din kaming buhay.

[Everyone, please proceed at the Primoon Hall now. Everyone, please proceed at the Primoon Hall now. ]

Lunes na lunes ay ang anunsyong iyon ang bumungad sa amin. Nagkatinginan ulit kaming magkakaibigan dahil sa kuryosidad.

Ano na naman bang anunsyo ang kailangan nilang sabihin sa amin? May kinalaman ba ito sa patayan na naganap noong Biyernes?

Sa kabila ng aming kuryosidad, sa huli ay tumuloy pa rin kami sa loob at halos lahat ng mga estudyante ay nakaupo na sa bleachers. Naghanap kaming magkakaibigan ng mauupuan. Buti na lamang at may bakante pa malapit sa harapan.

Pagkaupo namin, napansin kong doon sa entablado ay nakaupo si Principal Arizona sa presidential table pati si Damon na siyang tumatayong ASBO Governor sa school na ito. Sa gilid nila ay nakatayo ang isang babaeng bahagyang nakatalikod sa amin dahil may kausap ito sa harapan, mahaba ang maitim nitong buhok at pulos itim din ang kanyang suot. When she's done talking in front, she faced us all.

"I guess you know the reason why I am here." Dire-diretsong usal nito sa amin.

She didn't even bother to greet us all. At hindi nga ako nagkakamali. Ang anunsyong ito ay may kinalaman sa kung anong nangyari noong Biyernes. 

"Every night, watching you killing each other is my favorite scene and I've been dying to know kung sinong matitira sa inyo, kung sinong mabubuhay." Dagdag pa nito na para bang sa mga salita niya, ang makitang magpatayan ang mga estudyante rito ang isa sa mga nagbibigay ng kasiyahan sa kanya.

Habang nagsasalita ito, bahagya kong inilibot ang aking paningin. Puno ng estudyante ang Primoon Hall pero halos hindi ko maramdaman ni isang presenya dahil sa sobrang katahimikan.

Then I faced her again. Black Mistress. Like the usual, nakasuot ito ng itim na maskara, showing only half of her face at nakita ko pa ang ngiting nakakurba sa mga labi nito.

Seeing her smile like that gives me goose bumps. She's scary like hell.

"I ruled killings during Murderous Night but I didn't order you to kill without my knowing!" Malakas nitong sigaw dahilan para mas lalong tumahimik ang lahat.

I narrowed my eyes when she said that. Iyon 'yung gusto niya diba? Ang magpatayan kami? Ngayong may patayan na ngang nagaganap, saka naman siya magagalit. Ano ba talagang gusto niyang gawin sa amin?

The Curse of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon