CHAPTER 9

159 15 1
                                        

Chapter 9

Pagkapasok ko ng room, dumiretso ako ng upo. Nakasunod naman ang apat sa akin. Ang iba naming kaklase ay may kanya-kanyang mundo at nagkukwentuhan ng kung anu-ano.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong muli ng mga kaibigan ko at tango lamang ang naisagot ko. Halata kong nag-aalala sila para sa akin.

Hindi ko alam kung magiging okay ako pagkatapos ng ginawa ko. Do we really need to kill others just to save ourselves? Is there any other option? Dahil kung may iba pa, mas pipiliin ko 'yun kaysa ang pumatay.

Maya-maya pa ay umayos na kaming lahat nang pumasok si Ma'am Thea, teacher namin sa English.

"Good morning class. Today, we will be having a group activity so please start counting from 1 to 5." Utos nito sa amin at nagsimulang magbilang ang mga kaklase kong nasa first row.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan sila. Bilib din ako sa kanila e. Nagagawa nilang umayos at gumalaw ng normal sa kabila ng mga patayang nagaganap gabi-gabi. Tipong walang nangyayari. O sadyang nasanay na sila na para bang wala na lamang ang mga ganoong kaganapan para sa kanila?

"Oy, ikaw na. 1 ka." Tapik sa akin ni Eyra na siyang katabi ko sa kanan. Sa kaliwa ko naman ay si Vida.

"1." Sambit ko at nagpatuloy sa pagbibilang ang mga kaklase ko hanggang sa may pinakadulo.

"All group 1, please stay here in front, followed by group 2. Group 3 you stay here, then group 4. All group 5, sa likod na kayo." All of us stood up to look who our groupmates are. Pinagcircle na rin namin ang mga upuan namin pagkatapos naming maggroupings.

Our topic is all about descriptive and prescriptive grammar. And what we need to do is to make a role play about it, on how we are going to pronounce words well, from their usages, particularly the contraction words.

"You choose your own leader. Print your script and submit it tomorrow. Without script, you cannot perform. Otherwise, I'll mark you zero. Since we still have 20 minutes left, pag-usapan niyo na kung anong gagawin niyo." Ma'am Thea instructed.

I faced my groupmates. Some of them started sharing their ideas. Nag-usap-usap na rin kami at gumawa ng plano sa kung anong gagawin namin at nangunot ang noo ko when they appointed me as their leader.

"What? Bakit ako? No way!" Tanggi ko agad. I'm not in the mood. Hell, bakit ako?

"Dali na Millizen, we will help you naman."

"Oo nga. Tulung-tulong naman tayo e." Lahat sila ay ginatungan ang sinabi ni Gia kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag. They even cheered for me. Argh.

I took my paper and started to draft our script. They are suggesting some ideas and I jot down all of those para pagkatapos ng brainstorming ay pagtagpi-tagpiin na lang namin lahat ng mga ideyang mayroon kami.

While busy drafting, nagulat na lamang ako nang may humila sa papel na sinusulatan ko.

"Ano ba?!" Singhal ko at mas lalo lang akong nainis nang malaman kung sino iyon. "Kita mong nagsusulat 'yung tao, bigla mo na lang kukunin. At hindi ka naman namin kagrupo, bakit ka ba nanggugulo?" I hissed.

The Curse of 11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon