Chapter 19
Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon. Nag-uusap sila pero ang pandinig ko ay naroon sa mga estudyanteng nakatambay sa may kabilang pergola.
They are talking about what happened yesterday. Halos maningkit pa ang mga mata ko dahil sobrang pokus ako sa pakikinig sa kanila. What made me curious about what I heard is that no one got killed. Hindi naman sa gusto kong may mapatay na naman sa amin or what. Nakakapagtaka lang kasi.
"I'm getting scarier in this school now. Hindi naman ganito ang mga nangyayari dati ah." One of those students said.
"Kaya nga e. Ayaw ko naman talagang pumatay at lalo naman ang mamatay. Pero kung ganito lang naman ang mangyayari, mas gugustuhin ko pa yata ang Murderous Night." Saad naman nung isa. Dinig ko pang sumang-ayon ang iba nitong mga kasamahan dahil sa sinabi niya.
"Ano ba kasing mayroon sa 11:11? Baliw ba ang mga killers na 'yon?" Muli ay tanong na naman ng isa sa kanila.
Napabuntong hininga tuloy ako. Iyon din ang tanong sa isip ko, kung bakit sa tuwing 11:11 lamang sila sumasalakay sa amin, kung bakit sa lahat ng oras ay iyon ang pinili nila para maghasik ng kamatayan.
Unless that time reminds them about something and that something is the reason why they kill. Pero kung anong rason iyon, iyon ang dapat naming malaman dahil hindi naman sila papatay ng walang dahilan.
Abala pa ako sa pakikinig doon sa mga magkakaibigan nang hilain ni Vida ang manggas ng damit ko. I looked at her pero may ininguso ito sa harapan namin. Inilipat ko roon ang atensyon ko at agad naman akong pumagilid nang malamang may makikiupo pala rito sa pergolang tinambayan namin.
"Okay lang ba?" Tanong nung isang lalaki. Tumango lamang ako bilang sagot saka naman sila naupo. Lima sila.
"I'm Augustus Del Corro by the way." Nagulat ako sa biglang pagpapakilala nito. He even offered his hand.
I stared at his hand first. Nakakagulat lang kasing may makikipagkilala sa akin e makikiupo lang naman sila. Para naman hindi nakakahiya ay tinanggap ko iyon.
"Millizen." Tipid kong sagot. Kinindatan pa ako nito.
Nalipat ang tingin ko kay Vida nang maramdaman kong kinurot nito nang bahagya ang tagiliran ko. Some of my friends also gave me this teasing smile at hindi ko alam kung para saan iyon.
Umayos na lang ako ng pagkakaupo at hindi sinasadyang magawi ang tingin ko roon sa mga kasama ni Augustus, gaya ng pagpapakilala niya, lalo na roon sa isa.
I narrowed my eyes on him, in a way that he won't notice it since nakikipag-usap naman siya sa mga kaibigan niya. Parang pamilyar lang kasi siya sa akin.
Muli akong napaayos ng upo dahil eksaktong lumingon ito sa akin. I mentally scolded myself because I was caught staring at him. Nginitian ako nito and I end up smiling awkwardly at him. Buti na lamang at inaya na ako ng mga kaibigan ko para umalis na.
Nagtamang muli ang paningin namin nung lalaki noong paalis na ako. Hindi ko rin alam kung bakit napapatitig ako sa kanya. It's just that I remember someone because of him.
"Oy Millizen, tara na!" Tawag ng mga kaibigan ko. Agad ko naman silang sinundan.
"Iyong Augustus ang nagpakilala sa'yo pero grabe ka makatitig kay Yves ah." Pangungutya nila sa akin.
"Yves?"
"Iyong tinititigan mo!" Sabay-sabay nilang sagot.
BINABASA MO ANG
The Curse of 11:11
Mystery / ThrillerCOMPLETED Story Description: Five ladies transferred to Primoon Academy, believing that this will help them embark on a new journey in their senior high school lives. But what if the academy will really embark on a new yet different journey? A jour...