Chapter3:

85 3 0
                                    

Pag dating ko sa parking lot ng school nandito nanaman,isa nanaman ulit ang space at nakita ko nanaman ang kotse ni Blake pero ngayon hinintay ko nalang na sya na yung mag park doon, pero laking gulat ko ng hindi sya nag park doon sa halip sinigawan nya pa ako.

"Kit-kat ano pa bang hinihintay mo? Sige na ikaw na. Nauna ka naman diba?"

Nag-init yung ulo ko kasi issue padin yun sa kanya. Hindi parin ba sya maka get-over doon. Nakakainis na. Aish.

"Ano bang problema mo Blake? Issue parin ba yung nangyari kahapon? Hinihintay na kitang mag park pero ito ginawa mo sa akin? Wala kang karapatan para sigawan ako"

"Wow. Pa kipot ka pa eh alam ko naman gusto mong mauna diba? Pinapaubaya ko na nga sayo. Nagawa mo nga kahapong agawan ako edi magagawa mo rin ngayon."

"What the Fvck Blake. Wag mo Akong husgahan dahil hindi mo ako kilala ok! Tyaka kung ayaw mong mag park fine ako ang mag papark ito naman ang gusto mo diba?"

Iniwan ko na sya doon. Nakakainis na ha. Kala mo kilala nya na ako kung makapanghusga kala mo kung sino.

"Alexine, ok ka lang ba? Hindi ata maganda ang araw mo ngayon ah. Nakasimangot ka kasi."

"Ha? Ah wala to Thirdy yung magaling mo kasing bestfriend pinapainit yung ulo ko!"

"Ah si Blake. Gago talaga yun. Hayaan mo na kaka usapin ko yun mamaya, pagsasabihan ko"

"Sige bahala ka na sa kanya,tyaka mauna na ako ah. Malapit na mag start yung klase ko eh"

"Sige. Tyaka Alexine!"

"Oh,Ano?"

"Ingatan  mo yung necklace ah."

"Oo. Promise. Salamat, bye"

~~~

Pagkadating ko ng Classroom andun na sya, si Blake. Halatang badtrip talaga sya. Wala naman akong magagawa eh ginusto nya yun e. Tyaka pinaubaya ko na nga ayaw pa nya tapos nag-iinarte pa. Sayang yung pag ka gwapo nya actually mas gwapo pa nga sya kay Thirdy eh. Masyadond seryoso lang sa buhay. Kala mo pasan nya lahat ng problema dto sa mundo.

"Padaan!"

Bakit naman kasi nakaharang yung paa nya eh daanan to. Kanya ba to. Hindi naman kanya to eh.

"Umikot ka nalang wag ka ditong dumaan!"

"Bakit? Sayo ba to? Binili mo na ba to? Bakit hindi ako nainform na binili mo na to?"

"Alis dyan. Sa ibang daan ka nalang dumaan."

"Alam mo sayang ka gwapo ka pa naman. Seryosong seryoso ka lang. Parang hindi ka marunong ngumiti"

Nagulat ako ng bigla syang ngumiti. Ayun! Ngumiti din sya. Bagay sa kanya ang ngumingiti mas naging gwapo sya.

"Ayan ngumiti na ako masaya ka na? May gusto ka sa akin no?"

"Gusto? Wow. Ang hangin naman. Ang sabi ko lang gwapo----"

"Oo nga sabi mo gwapo ako."

"Oo nga gwapo ka. Sige gwapo ka pero hindi ibig sabihin non gusto kita. Ang yabang nito!"

"Aminin mo na Kit hahaha. May gusto ka sa akin.*sabay kindat*"

Ayan nanaman yung mapang tukso nyang smile. Naks ang lalim ng dimple nya.

"Ewan ko sayo. Hindi nga kita gusto. Pag katapos mo akong awayin kanina. Tabi nga dyan. Padaan ako."

"Ok Baby Kit, sige daan ka na."

"Baby Kit? Wag mo nga akong tawagin ng ganyan"

"Sus. Pa kipot pa si Baby"

"Sabi kasing wag mo akong tawaging baby dahil hindi na ako bata. Tyaka pwede ba tigilan mo na ako! Wsg kang Feeling Close ok."

"Eh pano kung Ayaw ko"

Umalis nalang ako ng classroom. Hindi ko yata kayang makasama si Blake. Bakit naman kasi nasabi kong gwapo sya. Ngayon tuloy tinutukso nya ako,at ayaw nya akong tigilan.Aish nakakabadtrip.

~~~

Pumunta nalang ako sa football field narinig ko na rin naman kasing nag bell na kaya recess na namin dito nalang muna ako para naman maiwasan ko na si Blake.

"Alexine?"

"Thirdy,"

"Bakit nandito ka sa football field? Anong ginagawa mo dito?"

"Ha? Ah wala nag papahangin lang. Ikaw?"

"Practice namin ngayon."

"Player ka? Wow. Astig"

"Bro, nandito ka---"

"Kit andito ka pala, hinahanap ka kanina ni Miss Santos. Wala ka sa Klase nya"

"Eh ano naman ngayon? "

"Ang sungit talaga ng baby ko!"

"Baby? Bro bakit baby ang tawag mo kay Alexine?"

"Crush nya ako. Crush ko rin sya. Kaya MU kami bro."

"Really? Totoo Alexine?"

"Nangarap ka Blake. Hindi totoo yun Thirdy" Ikaw kasi yung Crush ko. Ay Mali kay Mitch ka na pala.

"Yun naman pala bro, wag assuming ha."

"Assuming? Hindi no! Nag deny lang si Kit. Diba baby? "

"Bro tara na practice na tayo!"

"Buti pa nga, ahm... Baby dito ka lang ah para inspired ako mag practice. Inspiration kita eh."

"Bro tara na"

Nagkamali ako. Hindi pala sya seryoso sa buhay pilosopo pala sya. Tingnan nyo nga ang ginagawa nya sa akin pinagtritripan nya ako. Pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong umalis dito sa football field, parang may pumipigil sa akin.

"Alexine Catherine Reyes mali itong ginagawa mo. Mali"

"Mali? Alex sinong kausap mo? Tyaka anong Mali?"

"Ha? Ah wala Mitch. Iniisip ko kasi yung quiz namin kanina may Mali ako doon"

"Ah ok lang yan Alex, may next time pa. Teka ang ganda naman ng necklace mo Mitch"

"Bigay ni Thirdy ito sya. Ang sweet no? Hahaha. Tingin ko may gusto sya sa akin!"

Meron nga syang gusto sayo Mitch. Ikaw nga ang Crush nya eh.

"Siguro nga. Yieee. Swerte mo naman Mitch"

"Haha. Pero teka yung necklace mo rin bago. Sino nagbigay? Si Blake ba?"

"Ano? Hindi no! At hinding hindi mangyayari."

"Yieee. Deny pa Alexine. Tingnan mo oh tumitingin sya sayo. Tyaka yieeee. Kinindatan ka girl."

"Tumigil ka na Mitch pinagtritripan nya lang ako. Alis na ako papauwiin daw tayo ng maaga kasi may emergency meeting yung faculty e. Alis na ako"

"Sige Lex. Bye ingat ka ah. Sorry hindi ako makakasabay, may sasabihin daw kasi si Thirdy sa akin eh"

"Ok lang Mitch. Sige bye. Enjoy"

Pagkadating ko sa bahay ay natulog nalang ako kasi wala naman akong pwedeng gawin ngayon kasi wala sina Mommy.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon