Chapter 21:

85 2 0
                                    

Alexine's POV

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Kanina pa kasi ako tanong ng tanong sa kanya hindi naman sumasagot ngingiti-ngiti lang. Pagkagising ko kanina wala si Ynna sa bahay may pinuntahan daw kaya kaming dalawa lang ni Ivan ang nag-breakfast." Saan ba kasi... Wait..Hospital?? Anong gagawin natin dito?"

"Mamasyal tayo Baby" Sarcastic nyang sagot, sinamaan ko lang sya ng tingin"Joke lang Baby, syempre may bibisitahin tayo dito"

"Eh sino nga?" Wala naman akong alam na may sakit sa family nina Ivan kasi ang Lolo at Lola nya ay buhay pa. Tumigil kami sa isang room na ang nakasulat ay Room 103. Drake Ian Santos. "Sino sya?" Tanong ko sa kanya.

"Kakambal ko" matipid nyang sagot. Kakambal? Bakit hindi nya sinabi sa akin agad "Na coma sya dahil sa aksidente kasama daw ako doon ng mangyari yon, simula nung malaman ko na kasama pala ako sa aksidenteng yon at wala man lang akong magawa para iligtas yung may gawa sa kanya non kinamumuhian ko na ang taong yong. Pero wala akong chance para makilala pa yon kasi wala naman akong matandaan, tyaka okay na daw sila nung parents nung gumawa nito kay Kambal."mahaba nyang paliwanag. Nakakawa naman pala tong si Ivan.

"Pero bakit mo hindi sinabi sa akin na may kakambal ka?"

"Balak ko naman talagang sabihin sayo, kaso hinintay ko nalang ang  aniversary nya dito sa hospital 9 years na sya dito,para ipakilala ka sa kanya" nilagay nya ang mga dala naming pagkain."Kambal, asawa ko nga pala,ay.. Girlfriend palang pala si Alexine Catherine Reyes ang Baby ko, gusto ko kasi talaga syang mapangasawa eh. Ang galing kong pumili no? Ang ganda nya diba? Mahal na mahal ko to Kambal, alam ko namang botong-boto ka din sa kanya. Alam mo kambal sya yung nagpabago sa akin for good, pinapasaya nya ako araw-araw, sya din ang dahilan kung bakit excited akong magising tuwing umaga kasi alam kong isang araw ko nanaman syang makakasama. Napaka swerte ko sa kanya kambal no? Alam kong masaya ka para sa akin Kambal, Salamat ah." Pinunasan nya yung luha nya, ngayon ko lang napansin na umiyak pala sya.Napangiti sa sinabi nya. Kaya hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan yung mga luha nya na patuloy paring tumutulo at hinalikan ko sya sa ilong.

"Wag ka ng umiyak Babe. Napaka swerte ko rin sayo dahil nakilala kita at naging bahagi ka ng buhay ko. Ganon din naman ang nararamdaman ko eh." Hinalikan ko muli ang ilong nya. "I Love You Babe"

"I Love You Too Baby" hinalikan nya ako sa labi. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Ivan sa akin. "Tingnan mo kamabal kung hindi mo sana ako iniwan sabay sana tayong magpapakasal balang araw. Kaso yung walang hiyang taong yun eh, minadali ka na coma ka tuloy"

"Ssshhh. Babe.. Hindi naman sa nakikisali ako sa issue na to pero para sa akin hayaan nalang natin kung sino man ang gumawa nito sa Kambal mo, diba nga sabi nila Past Is Past, si God na ang bahala sa taong yon, kung sino man yon. Hayaan na nyo nalang siguro sya"

"Baby mahirap din kasi sa akin na kalimutan nalang yung nangyari,kasi buong buhay ko sinisisi ko ang sarili ko dahil nandon daw ako ng mangyari yon pero wala akong nagawa,tapos ngayon wala parin akong magawa dahil wala akong maalala. Pero para sayo itra'try ko"

"Babe hindi para sa akin,para sayo para sa inyo. Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na ang sabi ko lang hayaan mo nalang. Tyaka wag mong sisisihin ang sarili mo hindi naman siguro ikaw ang maykasalan" tumango lang sya sa akin at hinalikan ako sa labi tapos tumayo na kami.

"Oh kambal alis na kami ah, talo ako sa Girlfriend ko eh, natatameme ako." Tumawa sya. "Sige kambal alis na kami, bye kambal"

"Bye po Drake, alis na kami" naglakad na kami ni Ivan papunta sa kotse nya. "Ano na gagawin natin after nito?"

"Basta. Tutulungan mo ako. Mag-eenjoy ka. Mapapagod ka nga lang. Wag kang mag-alala sinabi ko kay Tito na bukas ka na uuwi, pumayag naman sya" He chuckled.

"Ikaw talaga. Sige na nga tara na." Hinalikan ko ang favorite part ng mukha nya ang ilong nya tapos tumawa lang kami ng malakas na wala namang dahilan tapos tuluyan na kaming umalis.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon