Chapter5:

105 3 1
                                    

Pagkadating ko sa bahay nakita ko si Ate Kate sa Kwarto ko nakahiga sya habang nagbabasa ng isang Book. Si ate Kate talaga napakahilig mag-basa,kung ako nasa kalagayan nya tinatamad lang ako o di kaya inaantok.

"Hi Ate Kate, what are you doing here po?"

"Nothing baby girl, just reading some books"

"Ok po, but wait ang aga mo naman pong nakauwi galing work?"

"Kasi hinatid ako ni Francis dito,namasyal kasi kmi kanina,pumayag naman si Daddy"

"Francis?..."

"Oh, he is my Boyfriend baby girl,"

"Boyfriend? Really? Kelan pa po?"

"Maybe 2 weeks ago. Alam na ni Mommy at Daddy kayo nalang ata ni Xander ang hindi pa!"

"Ay,ang daya naman, hindi na ako updated. But I am so happy for you ate Kate."

"Thank you baby girl. Sayo nga ako hindi updated eh"

Simula kasi ng magkatrabaho si Ate Kate, medyo nawawalan na sya ng time sa amin.

"Nothing's New naman po",

"Wala daw? Eh sino yung naghatid sayo?"

"Ah si Blake yun. Friend ko"

"So iba si Thirdy iba din si Blake? Haba ng hair ng baby girl namin ah."

Kwinento ko kay ate Kate lahat ng hindi pa nya alam. Nakwento ko rin sa kanya yung sa amin ni Blake, sabi naman nya mag-iingat lang daw ako. At hinding hindi ko dapat sya gagawan ng masama kasi hindi naman totoong Kami. Sabi din nya na dapat mapaniwala namin si Dennise na  girlfriend talaga ako ni Blake kasi pag nalaman daw ni Dennise malalagot daw kmi.

"Ate Kate sa tingin mo kaya kong maka survive  dito sa ginagawa namin?"

"Baby girl bakit naman hindi, tiwala lang baby girl dahil walang imposible"

"Thank You so much Ate Kate"

"Welcome baby girl, basta kung may problema o ano man ang mangyari sabihin mo lang sa akin ha. Andito lang ako lagi para sayo"

"Opo Ate, thank you talaga"

"Oh tara na, let's eat na! Gutom na ako eh"

Bumaba na kami ni ate para kumain, sobrang swerte ko dahil may Ate ako na laging nandyan para sa akin, handang makinig sa lahat ng problema ko, nandyan din sya para mag-advice sa akin.

~~~

Kinaumagahan pag-pasok namin ni Blake sa school nandun si Dennise sa harap mg pintuan ng room namin.

"Oh, look who's here, the fake couple tho"

"Fake? Bakit kasi ayaw mong tanggapin na wala na tayo ha?"

"Blake,tama na hayaan mo na sya"

"No,Catherine ayaw nyang maniwala eh. Ipapakita ko sa kanya na totoong tayo na!"

*Kiss*.Yeah hinalikan nya ako. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong halikan,kailangan ba talagang halikan ako. Oh No marami ang nakakita sa nangyari. Pero ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, naramdaman ko na biglang uminit yung pisngi ko. Aish hindi Alex hindi ka pwedeng mainlove masasaktan ka lang.

"Hindi enough ang halik para mapaniwala nyo akong kayo na,Ok!"

"Sige sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Dahil alam naman namin ang totoo, kaya pwede ba Dennise tumabi ka nga dadaan kmi ng Girlfriend ko. Classroom na namin to eh"

"Whatever Blake, at ikaw Alexine babalikan kita ulit hinding hindi ko kayo titigilan"

Aish. Wala paring epekto kay Dennise ang lahat hindi parin sya naniniwala,ano pa bang dapat naming gawin. Mabuti pa kakausapin ko muna si Mitch baka matulungan nya ako.

Tinext ko sya na pumunta sa football field after recess dahil mag-uusap kami.

~~~

Sabay kaming pumunta ng football field ni Blake may practice din kasi sila ngayon kaya nung malaman nya na pupunta ako sa football field nag decide sya na sabay nalang kmi. Nakita ko naman agad si Mitch kasama si Thirdy going steady na siguro sila ngayon,buti pa sila eh ako ngayon pinapaulanan ng problema.

"Mitch, kanina ka pa nandyan? Sorry na late ako nag-usap pa kmi ni Blake eh."

"Halata naman Lex mag-kasama kayo papunta dito oh"

"Sus,ikaw naman alam ko naman na hindi ka nainip nakita ko kayang tuwang tuwa ka kausap si Thirdy"

"Tss. Baliw ka talaga Lex. Ano nga pala ang sasabihin mo?"

"Kasi ano..."

"Ano? May boyftiend ka na? Sino?"

"Mitch, Oo meron na!"

"Ha? Kelan pa bakit hindi ako nainform?"

"Mitch makinig ka muna sa sasabihin ko,si Blake ang boufriend ko, pero hindi totoo na boyfriend ko sya, ginagawa lang namin to dahil nakaaway ko si Dennise yung sobrang ganda dito sa school na ex ni Blake, eh sabi ni Blake once na makaaway mo si Dennise iba sya kung gumanti kaya naisipan ni Blake na sabihin nalang na girlfriend nya ako kahit hindi dahil takot sa kanya si Dennise."

"Ah,Ok. Pero mag-iingat kayo ha. Kaya pala parati kayong mag-kasama, baka ma develop ang feelings. Yieeee."

"Mitch may problema kasi!"

"Ano naman yun?"

"Sabi ni Dennise hindi parin sya naniniwala na kami na nga ni Blake kahit na hinalikan na ako ni Blake sa harap nya"

"Halik? Ay kotang-kota na sayo si Blake ha. Alam mo Lex titigil din yan si Dennise basta ipakita mo 'nyo' na kayo talaga, na magsyota kayo,syempre ganyan talaga kasi nagulat lang sya,kahit ako nga nagulat at ano ka ba Lex ang tao napapagod din kaya  pag napagod yan maniniwala na din yan, galingan nyo lang ang pag arte"

"Pano kung hindi sya maniwala?"

"Pano kung Oo. Bakit ba kasi ang Nega mo. Parati mong pinangungunahan ang mangyayari, hayaan mo lang kung anong mangyayari dahil lahat ng bagay dito sa  mundo ay may reason. Malay natin kaya nangyari ito kasi kayo talaga ni Blake ang para sa isa't isa, diba?"

Siguro nga tama nga si Mitch pinangungunahan ko nga siguro ang mangyayari kaya siguro ako parating natatakot.

"Mitch,anong pinag-uusapan nyo ng baby ni Blake?"

"Ah wala Thirdy sinabi lang ni Lex sa akin na silana raw, Uy blake congrats ah ingatan mo tong bestfriend ko."

"Oo naman Mitch makakaasa ka"

"Sige guys maaga pala tayong uuwi ngayon, mauna na ako sa inyo, bye"

"Mitch sandali hatid na kita"

Yiee. Si Thirdy dumada'moves na. Ihahatid nya si Mitch pauwi.

"Sure ka? Tara na!"

"Wait, bro maunana kami ha. Ihatid mo na rin si Alexine sa Kanila ingat kayo"

"Ok bro. Ingat din."

"Tara na Kit? Ah wait may gagawin ka  ba ngayon?"

"Wala, naman bakit?"

"Kain tayo sa labas!"

"Libre mo?"

"Sige ba, Getting-to-Know-Each-Other. Para mas makilala natin ang isa't-isa."

"Sure, tara"!

Pumunta kami ni Blake sa isang Restaurant. Nag-order sya para sa aming dalawa.

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon