Chapter 22:

67 3 0
                                    

"Wag nalang muna tayong umuwi ng bahay" tiningnan ko sya ng nagtataka.

"Ha?.. Eh saan naman tayo pupunta? Ano naman ang gagawin natin?" Sabi nya kasi may gagawin kami at mapapagod pa nga daw ako,tapos ngayon biglang change ng plano, nakakabaliw talaga tong si Ivan.

"Basta,mamamasyal tayo" Ngumiti sya sa akin, kaya tumango nalang ako sa kanya,wala na rin naman akong magagawa kasi sya naman ang AD #AssignedDriver.

"Teka, ito yung way pa mall ah, pupunta tayo ng mall?"

"Oo. Marami tayong gagawin don. Wait ka lang" he chuckled. Tingnan mo to, kung makapagsalita parang planado na ang lahat,kapag sumama ka talaga dito sa taong to talagang wala ka nang proproblemahin kasi plinano nya na lahat.

"Ano nga pala dapat ang gagawin natin kung hindi mo to naisip?"

"Lilinisin sana natin yung kwarto ko, para pag natulog ka ulit don okay sayo yung room ko"

"Okay naman ang kwarto mo eh, malinis naman,maaliwalas,mabango at well organize naman ang gamit mo,okay naman sya eh"

"Ang gusto ko kasi pag pasok mo ay magugustuhan mo yung design nya,ikaw dapat yung magdedesign ng room ko, para maging room na natin." Ramdam kong uminit ang pisngi ko,kasi naman tong si Ivan may nalalaman pang room natin. Kinikilig ako."Ang cute mo when your blushing Baby" hinampas ko ang balikat nya."Ouch." Tumawa sya, anong nakakatawa sa ginawa ko. Baliw talaga.

"May nakakatawa?" Seryoso kong sabi.

"Ikaw,ang cute mo kasi tingnan Baby eh" he giggled. Alam kong ang pula pula ko na ngayon,kilig na kilig ako no.

"Tumigil ka nga,alam mo naman palang namumula na ako tapos pinapakilig mo pa ako!"

"Bakit naman ako titigil kung nag-eenjoy akong tingnan ka ng ganyan ang cute mo kayang tingnan pagnamumula ka,tapos gusto mo akong patigilin? Diba sabi mo for you Love is your Happiness" Mahaba nyang sabi. Hindi na ako sumagot baka san pa humantong itong pinag-uusapan namin,nanahimik nalang ako hanggang sa makadating kami sa Mall.

"Ano na gagawin natin dito?"

"Mag-eenjoy nga! Tara na!" Hinila nya na ako papasok ng Mall. Mag-eenjoy ba ako dito eh parang wala namang magandang gawin dito.

"Selfie muna tayo"*selfie* nabigla ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi. "Ayan! Ang cute nating tingnan,mukhang nagulat ka pa baby ah. Hahaha" tingnan nyo to nang-insulto pa sya oh.

"Ikaw kasi eh,ginulat mo ako---" napatigil ako sa pagsasalita ng may nakita akong taong tumatakbo sa parteng sobrang dami ng tao kaya hinila ko na yung isang babaeng tumatakbo.

"Fuck." Singhal nya sa akin.

"Sorry,itatanong ko lang kung anong nangyayari? Bakit ang daming tao banda ron? May Artista ba?"

"Ah. Wala. May mag syota daw nag-aaway, nag kakagulo sila, at nagsisigawan" natural Ate,nag-aaway nga eh, anong gusto mong gawin nila magtitigan?.

"Ah. Okay. Thank you" binitawan ko na sya sa pag-kakahawak ko sa kanya tyaka sya tumakbo ulit.

"Tara Babe tingnan natin!" Pagyaya ko kay Ivan hindi naman ako chismosa,first time ko kasing makakita ng ganun kaya gusto kong pumunta.

"Baby, wag na tayong makisali do---"

"Hindi tayo makikisali manunuod lang tayo!" Hindi ko na sya pinag-salita pa at agad ko na syang hinila.

"Walang hiya ka! Ginawa ko lahat para sayo pero niloko mo lang ako! May kulang pa ba sa ginawa ko ha? You know what? FUCK YOU!!" Nakita kong galit na galit yung babae don sa lalaki,tinaas nya pa ang middle finger nya don sa lalaki, at yung lalaki din nag-iigting ang kanyang panga, as in galit na galit. Nagulat ako ng biglang tinulak ng lalaki yung babae.

"FUCK ME? Ikaw ang nagsimula. Kung hindi ka naglandi sa bestfriend mo hindi sana ako maghahanap ng iba. SHIT KA!!!" Dinuro nya pa yung babae kaya bigla akong nag step forward para tulungan yung babaeng natumba pero bigla akong hinawakan ng mahigpit ni Ivan.

"Diba sabi mo hindi tayo sasali sa gulo,kaya dito ka lang hindi ka aalis dito at hindi tayo makikisali. Gulo nila yan hinfi atin." tumango nalang ako sa kanya,pero naawa talaga ako sa babae.

"I HATE YOU!! Hindi ko sya nilandi! May girlfriend sya at tinutulungan ko lang syang mag-ayos ng date nila ng girlfriend nya!!!" Tapos tumayo sya then sinampal nya yung lalaki at umalis na. Tiningnan ko yung lalaki kung susundan nya yung babae pero wala syang ginawa,nakatayo parin sya.

"Hindi man lang nya susundan yung babae?" Tanong ko kay Ivan na ngayon ay seryoso ang mukha nya.

"Siguro hindi. Hindi sya umalis para sundan eh." Hinawakan nya ang kamay ko at nag-simula na kaming maglakad. "Kung Ako din naman yung lalaki hindi ko din naman susundan yung babae"

"What?! Pero wala namng kasalanan yung babae ah,sya nga yung kawawa eh" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Oo sya yung kawawa, pero kong ako?Hindi ko susundan. May mga naging Girlfriend narin akong naging ganyan pero kahit isa wala akong sinundan at sinuyo, alam mo kasi Baby ma'pride kaming mga lalaki kapag yung lalaki kanina sinundan yung babae mafe'feel nya na naapakan yung pride nya,yung ego nya,kaya talagang hindi nya susundan yun. Umalis na sya, tinalikuran nya na yung lalaki ibig sabihin non tapos na. Yung babae ang nang-iwan at yung lalaki yung tinalikuran,kaya bakit nga naman nya susundan at susuyuin kung yung mismong babae na ang nang-iwan." Mahaba nyang sabi.

Bigla akong natahimik sa sinabi nya. Ano daw? Gagawin din nya yung ginawa ng lalaki kanina? Yung hinayaan lang yung babae kanina na umalis at hindi man lang hinabol at sinuyo. Para sa kanilang mga lalaki natatapakan ang pagkatao nila pag ganon. Pero pano naman sa aming mga Babae? Nasasaktan din naman kami ah, pag umalis ang babae at tinalikuran ang lalaki ang feeling ng babae ay susundan sya ng lalaki, nag-aassume ang babae na susundan sya at susuyuin. Pero pano pag nangyari din sa amin yon so ibig sabihin hindi nya din ako susuyuin at susundan kapag nagawa ko syang talikuran? Hay,bakit ba ako nag-iisip ng ganito, don't jump in to conclusion Alexine,tiwala lang hindi mangyayari sa inyo yon. Tiwala lang.

"Hey, Baby? May problema ba?" Bigla akong nabalik sa reyalidad ng mag snap si Ivan sa harapan ko. "Iniisip mo yung sinabi ko no? Iniisip mo na baka pag-mangyari sa atin ang ganun hindi kita susundan. Wag kang mag-alala kasi hindi mangyayari sa atin yon, hindi ko hahayaan na umabot pa tayo sa ganung sitwasyon. Kaya wag mo ng isipin yon okay? Pumunta tayo dito para mag-enjoy hindi para isipin ang mga ganyang bagay." Niyakap nya ako ng mahigpit. Sana nga,sana talaga hindi mangyari sa amin yung ganong sitwasyon,ayoko din namang mangyari yun. At lalong ayaw kong masaktan ako ulit, ayaw ko ng bumalik sa dati kong buhay,ayaw ko ng magpakalugmok pa ulit dahil sa maling taong minahal ko.

A/N:
Sorry sa typosssss. Alam ko maraming mali hindi ko na kasi chinecheck pa eh. Hayaan nyo itatama ko nalang nextime. :))) Sorry ulit. :D

When Death And Love EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon