Blake's POV
Andito na kami ng Family ni Cath at Family ko sa Van nila,sumama ang family ko dahil daw ok na din daw na mag bakasyon muna ,mag katabi kami ngayon ni Cath. Excited na talaga ako, medyo magkakalahating oras na kaming nasa byahe, kaya nakaramdam na si Cath ng antok.
"Baby, inaantok ka na ba?"
"Oo Ivan eh. Mahaba-haba pa siguro ang byahe natin eh"
"Matulog ka muna Cath."
Hinayaan ko lang syang matulog sa balikat ko. Kung pag mamasdan mo si Cath kapag natutulog sya ay napakaamo babae, ang cute nyang tingnan, ang mapungay nyang mata, ang makinis nyang pisngi, ang mahabang pilik mata, at ang mapupulang labi. Kaya hindi na din ako nagtaka kung bakit nagkagusto ako sa kanya. Feeling ko talaga matagal na kaming magkakilala.
"Hijo baka matunaw ang dalaga namin." Napansin siguro ni Tito na nakatingin ako kay Cath.
"Ay,Sorry po Tito, ang cute nya po kasing tingnan"
"Ganyan talaga sya kapag natutulog akala mo walang problema."
"Problema? Bakit po tito may problema po ba sya?"
"May----"
"Andito na po tayo." Aish. Sumingit si Manong Driver.
"Andito na daw tayo gisingin mo na sya Hijo."
"Opo Tito." Aish kainis naman to si Manong Driver, nahihiya na pa naman akong itanong kung anong problema nya.
"Baby.. Wake Up na, we are here na." masigla kong pag gising sa kanya.
"Really? Okay, okay. Yeheyyy. Finaly we are here na."
Bumaba na kami ni Cath sa Van, tapos pumunta kaming lahat sa isang Hotel, halos magkadikit lang ang Room namin ni Cath, halos isang kwarto lang ang pagitan.
"Guys mag ready na kayo, pupunta na tayo sa La Presa." Sigaw ng daddy ni Cath.
"Kuya Blake ang Ganda ni Alex no?"
"Oo naman Ynna. Magaling pumili si Kuya diba?"
"Oo naman po Kuya!" Pinisil ko yung pisngi nya, sya yung kaisa-isa kong kapatid si Ynna Beatriz Santos, 7 years old palang sya pero napakadaldal na at sobrang kulit, nagmana ata sa akin to eh.
"Apiiir. Oh tara na, alis na tayo, excited ka na ba Ynna?"
"Opo kuya."
"Pareho pala tayo eh,ako din excited na"
"Excited saan Kuya? Makita si Ate Alex po no?" She giggled, ang kulit talaga nya, pero naramdaman ko na uminit yung pisngi ko na parang namumula.
"Ikaw talaga, ang kulit mo at ang daldal mo, tara na nga!" Kinarga ko sya, at nag nose-to-nose kami.
"Kuya.. Kinikilig ka oh, selfie muna tayo *selfie*"
"Ikaw talaga hindi ako kinikilig no."
"Hindi daw Kuya eh namumula ka kaya oh." Ganun na ba ako kahalata na kinikilig ako, na pati bata napapansin yun.
"Tara na nga!"
~~~
Pagkadating namin sa La Presa ay nakita namin na may shooting ang Forevermore, solid fan pa naman si Cath sa LizQuen LoveTeam. Kaya ngayon tuwang tuwa sya na nakahawak sa braso ko na halatang kinikilig.
"Baby, baka mag selos ako nyan"
"Ivan ano ka ba, kinikilig lang ako, ang Cute kasi nilang tingnan,tapos ang gwapo pa ni Enrique"
"Sus. Mas gwapo pa ako jan."
"Oo na po, Mas gwapo ka na po."
"Hi Ate Alex" Aish, si Ynna nandito nanaman, baka kung ano-ano ang sabihin nya kay Cath.
"Hi Bay Girl, what's your name Baby?"
"My name is Ynna Beatriz Santos, and I'm 7 years old po."
"Aww, ang Cute mo naman Baby Ynna"
"Thank you po, kayo rin po cute, tyaka maganda"
"Talaga? Thank You Ynna"
"Welcome po, Crush nga po kayo ni Kuya eh"
Aish. Sabi na nga ba eh may sasabihin at sasabihin talaga sya. Ang daldal ng batang ito.
"Ah, hahahahaha. Talaga? Sino nag sabi sayo Baby Ynna?"
"Si Kuya din po, diba Kuya? Ay wait ate Alex may ipapakitapo ako sa inyo"
"Sige, ano yun?"
"Ito po oh,"
Pinakita ni Ynna yung picture namin kanina na sobrang pula ko. Aish nakakahiya talaga tong si Ynna.
"Kinikilig po si Kuya dyan, topic ka kasi namin kanina."
"Ynna.." Pilit ko sya pinatahimik pero walang epekto, likas na madaldal talaga sya kahit kailan.
"Kinikilig ka rin pala Ivan?" Ayan na, aasarin nanaman ako nito ni Cath.
"Of course, I'm Human." Dipensa ko. Wala na akong masabi, basta nakakahiya.
"I Know Right, pero hindi ko ma-imagine, ang isang BLAKE IVAN SANTOS, bad boy na hearthrob ay marunong kiligin. Just Wow." Tapos tumawa sya ng malakas na parang ng iinsulto.
"Yes of course, ganun pag inlove."
"Ate Alex Picture po muna tayo, wala pa po tayong selfie na dalawa eh."
"Sure Baby Ynna, ano Ivan sama ka? Tara Selfie tayo"
Selfie dito. Selfie doon. Yan ang gawain ni Ynna at Cath ang dalawa kong Baby . Kung nsan kaming tatlo ang nag pi'picture pero kadalasan silang dalawa talaga. Nag pa picture din kami sa Cast ng Forevermore. Masaya ako na nagkasundo agad sila. Magkasundo ang dalawang Baby ng Buhay Ko.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...