Blake's POV
"Miss okay lang po ba sya? Kanina pa kasi sya natutulog eh, okay lang po ba sya?" Andito kami ngayon sa clinic dinala ko dito si Cath kanina after nyang mawalan ng malay. Sabi ko na kasi sa kanya na sabay na kaming mag-enroll ayaw naman pumayag. Tuloy nasaktan tuloy sya ni Dennise, tapos late pa akong dumating. Hindi ko man lang sya napagtanggol. Humanda talaga sa akin yang Dennise na yan. Walang pwedeng manakit sa Baby ko.
"Okay na sya Mr. Santos nagpapahinga lang sya kasi masyado syang nanghina kaya binabawi nya pa yung lakas na nawala sa kanya kanina. Magigising na rin sya mamaya"
"Ivan..." Nagulat ako ng biglang nag-salita si Cath. Kaya agad ko syang nilapitan para i-check.
"Baby?.. Oh God. I'm sorry. I'm sorry. Sorry talaga kasi late na akong dumating. Hindi man lang kita napagtanggol. I'm really sorry."
"Sorry? Ano ka ba, wala kang kasalanan sa nangyari kaya wag kang mag-sorry, tyaka walang may gusto sa nangyari" hinawakan nya ang mukha ko habang nagsaslita sya, halatang mahina pa sya dahil sa boses nya.
"Basta sorry talaga. Bwiset na Dennise na yan,lagot talaga sa akin yan!" Gigil na gigil kong sabi.
"Wag na Babe, wag mo na syang gantihan, wala naman tayong magagawa eh hayaan mo nalang sya,kung may gagawin pa sya sa ating masama doon na tayo lalaban, okay?"
"Okay" Mahina kong sabi. Ngumiti lang sya sa akin "Sige na matulog ka pa, magpahinga ka muna" tapos pinikit nya muna ang mata nya para makapagpahinga pa. Dito lang muna kami sa clinic baka kasi mahalata nina Tito at Tita ang sugat nya sa bibig baka pagalitan pa kami. Bakit ba kasi ang bait nya? Kahit nasasaktan na sya okay parin sa kanya, kahit halatang hindi na nya kaya go parin sya, ibang iba talaga to si Cath. Kay mahal ko to eh.
~~~
Maya-maya lang ay nagising na si Cath. Pero halatang nanghihina parin sya dahil sa nangyari kanina. Napuruhan talaga siguro sya ni Dennise, ilang sugat din ang meron sya sa labi.
"Baby,baka mahalata kasi ni Tito at Tita yang mga sugat mo sa labi. Baka gusto mong matulog sa bahay? Wala namang tao doon kami lang ni Yna at yung yaya nya" Binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti "What?" Tanong ko sa kanya.
"Nothing. What's wrong? I'm just smiling." Pangiti-ngiti nyang sabi. Tingnan mo to parang hindi nabugbog eh.
"Wala rin. Smiling for what? May iniisip kang iba no?" This time ako naman ang ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
"Wala ah. Ikaw talaga!" She pinched my nose. "Hindi pa ako nakakapag paalam eh!"
"Okay na. Nakapag paalam na ako kay Tito sya na daw bahala magsabi kay Tita tyaka sa mga kapatid mo"
"So nakaplano na pala lahat,sagot ko nalang pala ang kulang?"
"Hmm. Yes?" Patanong kong sagot sa kanya. Then nag smirk ako sa kanya. She gave me a wide grin at nag smirk din sya.
"Well, wala naman na yata akong magagawa kasi parang nakaplano na. Soooo Yes! Sige doon tayo matutulog sa inyo." Hindi na ako nag-salita pa, sa halip ay binuhat ko na sya na para bang bagong kasal kami.
"Mr. Santos san na po kayo pupunta? San nyo po dadalhin si Miss Reyes?"
"Iuuwi ko na sya sa bahay namin Miss. Ako na ang mag-aalaga sa kanya, ako na rin ang magbibigay ng lakas sa kanya" tumawa naman yung Nurse sa clinic.
"Alam nyo po, bagay po kayong dalawa ang sweet sweet nyong tingnan eh."
"Salamat Miss" Tuluyan na kaming lumabas ng Clinic at dumiretso na sa kotse ko.
~~~
Pagkarating namin sa bahay ay sumalubong agad sa amin ang makulit at cute kong kapatid na si Ynna.
"Kuyaaaaa!!---" Sabay talon sa akin kaya binuhat ko naman sya.
"Baby Yna!" Niyakap ko sya ng mahigpit. Na miss ko din tong kakulitan nya,kakauwi nya lang kasi galing kana lola, doon sya nag stay after nung bumalik kami galing Bagio.
"Ate Alex?..." Nagtataka nyang tanong na nakatingin sa mga labi ni Cath. She bit her lower lip. "Ano po ang nangyari jan? Nabugbog ka po?"
"Yes/No" sabay naming sabi ni Cath, siniko naman nya ako tapos humarap kay Ynna na ngayon ay nagtataka parin.
"Hindi po Baby Ynna, nakagat ko lang po ito kaya nagkasugat. Wag kang mag-alala, Ate Alexine is fine." Nag faint smile sya kay Ynna at hinawakan ang pisngi nya. "Tara na? Pasok na tayo sa loob?"
"Dito ka po matutulog Ate Alex?"
"Yes po Ynna." Nakangiting sagot ni Cath sa kanya.
"Yehey! Tara na pasok na tayo! Ay.. By the way kuya hindi pa po ako nagdidinner, kain po muna tayo" chineck ko ang time sa phone ko,kung sabagay 7:30pm narin.
~~~
After dinner ay naglaro muna si Cath at Ynna habang nanunuod ako ng tv, chineck ko ulit ang time sa phone ko at nakita ko ay 8:45pm na.
"Ynna, 8:45pm na, matulog ka na, masyado ng late, tyaka pagod din yan si ate Alexine mo, kaya matulog ka na"
"But kuya----"
"No buts Ynna. Alam mo ba na masama sa bata ang magpuyat, bukas nalang kayo maglaro ni Ate Alexine mo"
"Okay.." Matipid nyang sagot. Pumunta sya malapit kay Cath hinalikan nya ang pisngi nito "Good Night Ate Alexine."
"Good Night Baby Ynna, sige na matulog ka na bukas nalang ulit tayo mag-lalaro" Hinalikan nya ang noo ni Ynna. Tapos naglakad na si Ynna papuntang room nya. Pero bago sya makaakyat tinawag ko muna sya.
"Ynna.." Lumingon sya sa akin para harapin ako at tiningnan nya ako ng nagtataka "Ako? Wala akong kiss? Buti pa si Ate Alexine mo may kiss ako wala" Nag-pout ako sa kanya tapos bigla syang tumakbo papunta sa akin.
"Good Night Kuya. I Love You." Hinalikan nya ako sa Noo, sa dalawang pisngi ko, sa ilong ko at sa labi ko. Wala namang malisya kasi magkapatid naman kami at tyaka bata pa sya. Pumasok na sya sa room nya at nagpahinga.
"Ikaw din Baby magpapahinga na tayo" sabay buhat ko sa kanya papuntang kwarto.
"Seloso ka!" Piningot nya ang ilong ko tapos tumawa.
"Ganon talaga pagnagmamahal" nag smirk ako sa kanya tapos nag-lean ako at hinalikan ko ang ilong nya.
After naming mag shower ay nag ready na kami para matulog. Sa baba ako nag shower sya naman dito sa CR ng room ko kaya halos sabay lang kaming natapos.
"Teka? Iisang kwarto lang tayo?" Tanong nya habang nagpapatuyo ng buhok. Pinasuot ko sa kanya yung tshirt ko, kasi may mga damit narin naman sya dito kaso pinilit kong ipasuot sa kanya yung favorite kong tshirt.
"Oh Yes my Baby!" Then nag smirk ako sa kanya at ngumiti. "Ayaw mo ba Baby na magkatabi tayo? Magkatabi nga tayo sa Hotel non sa Bagio diba? Kahit sa bahay nyo tabi din tayo. May problema ba baby?"
"Hindi. Wala. Okay lang. Sige na matulog na tayo" Naghubad na ako ng t-shirt para matulog pero bigla syang sumigaw kaya nagulat ako "Aaaaaaaaaaaaaa"
"What?!--..." Nakakagulat talaga tong si Cath. Anong masama sa ginawa ko? Naghubad lang naman ako ng t-shirt ah.
"Bakit ka naghubad ng tshirt? Naiinitan ka pa ba eh naka bukas naman ang aircon ah!"
"Baby makasigaw ka naman kala mo first time mong makita na half-naked ako, pangalawang bese na kaya ito. Actually natatandaan ko nga drinawing mo pa nga ako sa sketchbook mo diba?" Nakita ko syang namula kaya hinawakan nya ang pisngi nya, tumawa nalang ako "Sanay kasi akong nakahubad ng tshirt pagnatutulog eh."
"Tse. Ewan ko sayo drinawing ko lang naman ah. Tara na nga matulog na tayo" niyakap ko sya mula sa likod at hinalikan ko ang batok nya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya tapos hinarap sya "Ang cute mo talaga pag namumula" bulong ko sa kanya tapos siniksik ko ang katawan ko sa kanya at muli ko syang niyakap "Matulog ka na,may pupuntahan tayo bukas. Good Night Baby, ILove You."
"Good Night Babe I Love You Too." Hinigpitan ko pa lalo ang pagkayakap sa kanya tapos tuluyan na kaming nakatulog.
BINABASA MO ANG
When Death And Love Embrace
Teen FictionSi Alexine Catherine Reyes ay isang Mayaman,Matalino,Maganda pero Simple. Hindi nya akalain na makikilala nya ang Supladong Gwapo na si Blake Ivan Santos isan napaka gwapong hearthrob sa Eastern High University. Si Alexine ay takot magmahal, nasakta...